Chapter 2

200 24 4
                                    

INGRID

"Idang! Gumising ka na!" sigaw ni Isay habang niyuyugyog ang balikat ko. Hindi ko alam kung balikat lang ba talaga ang niyuyugyog niya o buong katawan. Parang mahihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa lakas ng pagyugyog niya sa akin.

"Idang! Ano ba! Lampas isang oras na ang five minutes na sinasabi mo!"

"One minute," inaantok kong bulong at mas hinigpitan ang yakap sa unan.

"Gusto mo bang tawagin ko pa si Chaos para gisingin ka?"

Napakunot ang noo ko dahil sa inis. Bumangon na ako at malamig siyang tiningnan. Biglang sumama ang mood ko dahil narinig ko ang pangalan ng bagong lipat kong asungot na housemate. That arrogant and assuming bastard. Pinagkamalan ba naman akong stalker niya?! Por que pareho kami ng pupuntahan at nakaface mask ako? Nakakainis!

Kahapon lang siya lumipat dito kasama ang mas bata niyang kapatid na lalaki. Ang mga magulang kasi nila ay kinailangang magpunta ng US dahil sa 'di ko malamang dahilan. Iyon lang kasi ang sinabi sa amin ni Mama. Pansamantala lang naman sila dito pero nakakainis. Wala ba silang ibang kamag-anak?

"Sana hindi ko na lang sinabi sa 'yo."

"Malaki talaga ang galit mo sa kanya, 'no? Pero ang gwapo niya ha! Ang swerte mo, Idang!" tumili pa si Isay.

"Lumabas ka na nga! Mag-aayos na ako!" bulyaw ko.

"Nakakatakot ka talaga. Super cold," pinahaba niya ang kanyang nguso at maya-maya'y tumili na naman. "Ayiee! Crush mo lang si Chaos, eh. Pasalamat ka at kanina pa siya umalis dahil lagot ka talaga sa akin! Ang hot niya tingnan suot nung jersey niya! OMG!"

Pinagikutan ko siya ng mata. Tinawanan lang niya ako at saka tumalikod. Bago pa siya makalabas ng kwarto ko ay tinawag ko siya.

"Isay."

"Hmm? Ano 'yon, Idang?" hindi pa rin nawawala ang mapang-asar niyang ngiti sa kanyang labi.

"Thank you for waking me up."

Mas lumawak ang kanyang ngiti. "Walang anuman."

I am always thankful everytime Isay wakes me up. Kahit na lagi akong tinatamad na bumangon, malaki pa rin ang pasasalamat kong nandyan siya lagi para gisingin ako. Natatakot kasi akong hindi na ako magising isang araw. Marami pa akong bagay na gustong gawin. I want to make my family proud of me. I want to see them cheer for me everytime I play. To see their eyes glow because of happiness. I also thanked God for giving me another day, for giving me strenght, and for all the blessings.

Tinatamad man ay pinilit kong tumayo. I have to get up. Anong oras na ba? Ilang oras na kaya akong late? Sigurado akong umuusok na ang ilong ni Coach Jake ngayon.

Ang bilin niya sa amin ay ang FMS PE uniform muna ang isuot habang hindi pa naguumpisa ang match namin. Magdala nalang ng bag na paglalagyan ng jersey namin. Pero dahil dakila akong tamad at gustong-gusto kong pagtripan si coach, hindi ako susunod.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Sinuot ko ang itim na jacket na regalo sa akin ng lola ko. Hindi ko na sinuklay pa ang aking buhok dahil maayos naman na no'ng tiningnan ko sa salamin. Nagsuot na lang ako ng beanie para hindi gaanong halata na hindi talaga ako nagsuklay. Kumuha ako ng bagong pajama sa closet ko. 'Yung navy blue na may mga maliliit na glasses ni HP ang design.

"Idang! Ano na? Hindi mo na naman ba kinaya ang lamig ng tubig?! O hinigop ka na ng bowl?" narinig ko ang malakas na boses ni Isay.

Kinalma ko ang sarili ko bago ko pa siya masigawan pabalik. Nakakahiya sa mga kapitbahay namin.

Inilagay ko na rin sa bag ko ang sapatos na gagamitin ko para sa match namin. Tsinelas na muna ang sinuot ko. Bitbit ang bag ko, bumaba na ako at nagpunta sa dining area. Nakaupo na roon sina Isay, Iñigo, 'yung kapatid nung asungot, si mama, at si papa.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon