Chapter 24

48 4 4
                                    

INGRID

Tahimik kong pinapanood si Iñigo na masayang kausap si Papa sa video call. Kahit na may ilang galos pa siyang hindi naghihilom, kung umakto siya ay parang walang nangyari.

"I'm fine now, Pa. Kita mo naman 'tong muscles ko, oh. In good condition na ulit," masayang pagk-kwento ni Iñigo kay Papa habang patuloy na fini-flex ang kanyang biceps.

After my drama scene with Chaos, he finally decided to let me visit Iñigo. Kahit na halata namang labag sa kalooban niya, tinulungan niya akong tumakas sa ospital. At heto na nga ako ngayon, mag-isang binabantayan si Iñigo dahil kinailangang umuwi ni Manang Lorna at Isay sa bahay.

"Hmm... ano ang gusto kong pasalubong?" he asked, his fingers massaging his chin. "Mags-senior high school na po kasi ako. Kapag nakapasa ako sa Ateneo o La Salle, I'd need a new laptop. Almost 3 years na rin kasi 'yung Air ko, eh. Ayos lang ba kung yu g Pro na 16 inch, Pa?"

"Oo naman. Basta ba galingan ninyo ni Ingrid. I'd buy anything you want basta makapasa kayo sa mga school na 'yon," rinig kong sabi ni Papa.

May malaking ngiti na gumuhit sa labi ni Iñigo at nakita ko rin ang pagsuntok niya sa hangin.

"Oo, Pa. Sayang nga at hindi ako nakapagperform, eh. Para sanang nagconcert kami ng banda ko."

"Siguro sa Monday po ako makakauwi. 'Di ko na talaga kayang tumagal pa dito! I'm so bored!"

"Para rin naman sa ikabubuti mo 'yan, anak," mahinahanong sabi ni Papa mula sa kabilang linya. "How about that man? Nahuli na ba?"

"He's on the run, Pa. Pero sabi sa akin ni Manang Lorna na sinabi sa kanya ni Mama na alam na raw ng mga pulis kung saan siya nagtatago," Iñigo said. "And guess what, Pa. He was also an ex drug convict!" he added.

To be honest, I feel my brother hit his head hard. He's been acting like a kid ever since I came here. And he's not being an asshole!

Pinabayaan ko lang si Iñigo na halata namang pinapainggit lang ako at gusto akong inisin at binuhos na lang ang atensyon sa cellphone ko.

"Hoy."

Napa-angat ako ng tingin at nakita kong masama ang tingin ng kapatid ko sa akin.

"Kausapin ka raw ni Papa," sabi niya at saka inabot sa akin ang kanyang cellphone.

Nang makuha ko ito ay nakita ko si Papa na nakasuot ng pambahay at mukhang nasa kwarto na siya. May naririnig akong mga nagsasalita sa background. Siguro ay nanonood siya.

"Gabi diyan?" paguumpisa ko.

"Kahit kailan talaga hindi marunong bumati," naiiling na sabi ni Papa ngunit may maliit na ngiti ang gumuhit sa kanyang bibig. "Kumusta ka na anak?"

"Ayos naman po," sagot ko.

"Gano'n ba?" tumango siya. "Matino naman ba 'yang kapatid mo? Hindi ka ba inaaway?"

"Well... what's new?"

"Wow, ah!" hindi makapaniwalang sabi ni Iñigo. "Pinagtutulungan niyo ba ako? Ako na critical ang kondisyon matapos ang isang karumaldumal na pangyayari-"

"Shut up. 'Wag kang OA."

"Tama na 'yan," suway sa amin ni Papa.

"Tss."

"Sino ba nag-umpisa?" naiinis na sabi ni Iñigo.

"Ingrid, kailan mo balak mag-emtrance exam? At saan?" Papa asked.

"I don't know..." I don't know if I'll last long enough until senior high school.

"Bakit naman? Ayaw mo ba sa Ateneo at La Salle? You can choose other schools, anak. UST, Miriam, FEU... Kahit saan," sabi ni Papa.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon