Chapter 20

88 6 0
                                    

INGRID

Boring. Iyan lang ang masasabi ko sa last day ng dance practice namin. Nandito lang sa ako bleachers at wala ibang magawa kundi ang maupo panoorin sila.

Days have passed like a blur. Nang makahanap ako ng tyempo kinabukasan pagkatapos ng birthday ni Chaos ay kinausap ko na agad si Tita Arra tungkol sa pagt-take ng mga gamot. Instead of persuading me to continue taking those and never stop until I'm finally cancer free, she just smiled at me and let me do what I want. She told me that I can stop taking them after I do everything written on my list. Siguro para mas matagal pa kahit papaano ang buhay ko. Yes, she knows about my list but not what's written on it. It was a sudden change of heart. Siguro ay tinanggap na lang din niya ang gusto kong mangyari. Minsan kapag naiisip ko ang pag-inom ko ng gamot ay natatawa ako sa sarili ko. Napakatanga ko na nga, uto-uto pa. To be honest, I am complicated. My life, too.

"Okay," nagpakawala ng malalim na hininga si Tr. Denny at namewang. "Tingnan niyo ang paa ko. Paa muna ang gagawin natin."

"Why did they even let those kids join?" tanong ko sa sarili at uminom ng tubig.

"Matagal ko na rin 'yang tinatanong sa sarili ko."

Napatingin ako sa nagsalita. Ang nakasimangot na mukha ng president ng dance club ang sumalubong sa akin. I just nodded my head twice and continued to watch Tr. Denny teach the kids on the stage the steps. Hindi naman ito mahirap. Siguro kapag ir-rate mo from one to ten ay six o five lang.

"Dapat talaga by audition kapag sasali ng dance club. The best kasi si Nelson," I heard Erica laugh sarcastically. "Maluwag kapag sa dapat namang maghigpit at mahigpit sa dapat maluwang. Gets mo, Imperial?"

Napatingin akong muli sa kanya at tumango. "He's complicated."

"Pero ano ba ang magagawa natin? Siya ang boss daw dito, eh," umiiling na sabi niya at tumawa ng malakas.

Erica is a big-boned girl with a short wavy black hair from Grade 12. She's very famous among the Falcovians because of her talent: dancing. She's one of the coolest girls I have ever met. She's also friendly.

"Anong oras ang umpisa ng performance bukas?" I asked.

"8:30 am. Pero dapat seven ay nandito ka na. Alam ko namang number one fan ka ng Filipino time," she replied. "Hmm, oo nga pala. Pinakahuling magp-perform ang Apollo. Nasabi ba sa'yo ni Iñigo kung ano ang tutugtugin nila?"

Umiling lang ako at pinanatiling magkalapat ang mga labi. How would I know? Tuwing mapapadaan ako sa room kung saan sila nagp-practice ay sakto namang break nila.

"Mga ate at kuya," pagtawag pansin sa amin ni Tr. Denny gamit ang microphone. Lahat naman kami ay napatingin sa kanya. "Alalahanin lang ninyo ang mga bilin ko. Black pants o jeans lang ang pambaba. Ang pantaas naman ay anything basta white. Kahit may print pero huwag naman 'yung halos sakupin na ang buong shirt. At ang sapatos, puti dapat. Reminder para sa girls, dapat tuyo na ang buhok bukas pagkapasok niyo dahil ib-braid ang mga buhok ninyo. Sa mga boys naman ayusin ninyo 'yang mga buhok ninyo. Ayaw ko ng may pa-bangs tapos naninigas na dahil sa gel, o kaya naman kapag may nahulog na butiki ay tigok agad. Gets po ba?"

"Yes, cher!" sabay-sabay na sagot ng lahat.

"Okay. Pwede na kayong umalis," nginitian niya kami at binalik ang atensyon sa apat niyang tinuturuan.

Nang makatayo na ako ay kinuha ko ang aking bag. Ang ibang member ng dance club at ibang napiling mga representative ng kanilang mga klase ay mabilis na umalis. Iilan na lang kaming natitira rito sa may bleachers.

"Mauna na kami, Ingrid," paalam ni Erica at ngumiti. "Ingat."

Tumango lang ako at bumaba na rin. Isinukbit ko sa aking balikat ang isang strap ng aking bag bago lumabas ng gymnasium.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon