Chapter 4

147 21 3
                                    

INGRID

Ang awkward ng posisyon namin ngayon. Magkadikit ang ulo namin habang siya'y nakahiga sa tabi ko. Feeling close lang? Nakapatong ang ulo niya sa parehong unan na hinihigaan ko.

"Hoy asungot."

"Hmm? Ano 'yon?"

"Lumayas ka na nga."

"Ayoko," parang batang pagtanggi niya.

"Asungot nga!"

"Idang nga!"

"Shut up, Madrigal. Nakakabanas ka na!"

Natahimik siya. Tanging ang mahina niyang pagtawa lang ang naririnig ko. Parang siyang baliw na hindi matigil sa pagtawa. Pakiramdam ko nga ay nangingisay na siya.

"You wanna go out?" biglang tanong niya.

"Ngayon?"

"Yeah. Roadtrip tapos foodtrip tayo."

Hindi ako gaanong mahilig sa adventure. I'm the complete opposite of Dora the explorer. But the thing is, I like roadtrips. A lot. Kung papipiliin man siguro ako, mas gusto ko pang maupo na lang sa loob ng sasakyan at kahit magdamag pa akong bumyahe.

"You don't have a car o kahit anong pwedeng sakyan. Baka hindi ka pa nga marunong magdrive."

"Ouch! Ang sakit 'non ah? Marunong kaya ako magdrive! At sinong may sabing wala akong sasakyan?" he paused then continued talking. "Ano? Game?"

Without thinking twice, I nodded. Napasuntok siya sa hangin at napa-'yes'.

"Sige. Wait ka lang dito. May kunin lang ako."

Tumango nalang ako. Tumayo na ako at pinagpan ang pajama na aking suot pati rin ang likod ko. Ang unan ay nilapag ko nalang muna sa bench. Sinuklay ko gamit ang aking mga daliri ang aking buhok na siguradong magulo. Napansin ko ang dalawang pasa ko sa aking braso. I sighed and looked up.

Bro, bigyan mo na po muna ako ng mas mahabang oras.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Chaos na naglalakad papalapit sa akin. May dala-dala siyang puting jacket. Inabot niya ito sa akin.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Kainin mo. Masarap 'to," sakrastiko niyang sagot.

"Hmm? Is that so? Ikaw muna kaya ang tumikim?"

Akala ko ay maiinis siya pero tinawanan lang niya ako. Ang weird talaga niya. Parang 'yung pangalan lang nila ng kapatid niya. Nagulat ako nang bigla niyang isinuot sa akin ang jacket.

"Tara na sa labas," aya niya at nginitian ako.

Si Chaos ang naunang naglakad. Nakasunod lang ako sa kanya. Ang buhok niya ay parang alon na humahampas kasabay ng hangin. Napansin kong may itim na tatak sa may batok niya. Is that a tattoo?

"May tattoo ka?" mamula-mula pa ang

"Huh?" napahawak siya sa batok niya at saka humarap sa akin.

"Wala pa 'yan kahapon."

Napataas ang isang kilay niya. Para bang may kung anong kabaliwan na naman na nabubuo sa utak niya.

"You were cheking me out?"

"Nakita ko lang!"

"Bakit ka galit?"

"Hindi ako galit."

"Bakit ka defensive?"

"No, I'm not."

"Weh? Sigurado ka? Real na real? Mas real pa sa dalandan ni Kendra?"

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon