Chapter 15

102 11 7
                                    

INGRID

Iñigo and I have been ignoring each other for the last two hours. Well, nothing's new. Lagi nga pala kaming nag-iiwasan. Bakit ba nakalimutan ko 'yun? How can I forget the fact that we treat each other like air? Invisible.

Nang masundo namin ang mga magulang ni Chaos ay dumiretso na kami rito sa SM at kasalukuyan kaming kumakain sa isa sa mga restaurants dito. Cane Madrigal is like the older version of Chaos and Cash while their mother, Cali, is like a goddess. The way she talk and act screams elegance. Halatang nanggaling sa mayamang pamilya. Hindi na nakapagtataka dahil gwapo rin naman sina Chaos at Cash. Namana nila ang kanilang physical features mula sa kanilang mga magulang.

"Sis, stay muna tayo rito sa SM kahit hanggang four lang. Para naman makapamasyal muna ang mga bata," Cali Madrigal suggested. "'Yun ay kung hindi ka busy. Alam ko namang busy ka sa ospital mo ngayon."

"Ayos lang. Iniwan ko muna ang ospital sa pinsan ng asawa ko na doktor din. Nag-leave na muna ako," she smiled. "Pero kayo? Hindi ba kayo pagod sa byahe?" Mama asked.

"Hindi, ayos lang kami ni Cane. Gusto rin naming maglibot at saka para magkaroon naman ng break ang mga bata from school," nakangiting sagot ni Cali Madrigal.

Pansin ko ang pagiging tahimik ni Chaos. Masyado siyang busy sa pagkain niya samantalang si Cash ay kausap ang kanilang mga magulang. Minsan ay nakikisali naman si Mama at Iñigo sa usapan pero si Cash talaga ang pinakamadaldal sa table namin.

Siya 'yung laging nagtatanong sa amin kung okay lang ba ako o hindi and I think it's my turn to ask him that question. "You okay?" I asked Chaos.

"Yeah. Bakit naman ako magiging hindi okay?" his gaze turned to me and then he chuckled.

I rolled my eyes. "Don't show me that fake smile," mahinang sabi ko para hindi kami.marinig ni Isay na pansin ko ang maya't maya niyang pagsulyap sa amin. "Nakakairita sa mata."

"Yes boss," he said sarcastically and frowned na dahilan kung bakit ko siya siniko sa kanyang tagiliran. "Aray!"

"Are you okay, son?" Cane Madrigal asked.

Tumahimik ang lahat at napunta sa mag-amang Madrigal ang atensyon. Chaos was just staring at his father with his cold eyes. I've never seen him like this before. Maybe because I was just used to see him smiling, laughing, ang joking around.

He titled his head and smirked. "Why would you ask me that?" Chaos asked sarcastically.

"What?" kunot-noong tanong ni Cane Madrigal.

"Nothing. Nagulat lang ako sa tanong mo. Maayos naman na ako kahit papaano," Chaos replied while nodding.

Cali Madrigal cleared her throat and forced to show a smile to her smirking son. "May mga pasalubong kami para sa inyo ni Cash."

"Talaga po?" Cash's eyes twinkled as he looked at his mother.

"Yes, baby," nakangiting sagot ni Cali Madrigal. She looked at her son with love in her eyes and I can't help but envy Cash and Chaos. I wonder when will my mother look at me with those emotion in her eyes?

"Hindi na nga po kasi ako baby!"

"You will forever be my baby, Cash."

Chaos murmured something but I wasn't able to understand him. Muli na naman kaming natahimik. Maya-maya ay mag-uusap ang mga magulang namin at magtatawanan. Sometimes Cash and Iñigo would talk about a new topic.

"Tita, pwede po bang maglibot-libot muna kami ni Ingrid? Hanggang four pa naman po tayo rito 'di ba?" Chaos asked.

Kumunot ang noo ni Mama at binigyan ng nagtatakang tingin si Chaos. Ibinaba niya ang kubyertos na kanyang hawak at umayos ng upo. "Kayong dalawa lang?"

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon