Chapter 3

140 24 9
                                    

INGRID

Nagising ako sa pamilyar na amoy ng clinic ng Falcova. Miss Lyn, the school nurse, smiled when she saw me already awake.

"Mabuti at nagising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"I'm fine," mahina kong tugon.

"Sigurado ka ba, hija?"

"It's my body, Miss Nurse. I know when I feel okay or not."

"Miss Imperial, I think you should go see a doctor. Lagi nalang nangyayari 'to sa iyo."

Malalaman na ba nila? Hindi pwede. Kaya ko pa naman pekehin at itago. Kaya ko pa. Kaya hangga't maaari, dapat makaalis na ako dito. Alam kong nagsusupetsa na ang school nurse.

"Miss Imperial..."

Hindi ko pinansin ang pagtawag ng school nurse. Isinuot ko ang sapatos ko at tumayo kahit na pakiramdam ko'y nanghihina ako. I have to get up. May laro pa kami mamaya.

"Magpahinga ka muna."

"We have a match," tanging sagot ko.

"Pero nanghihina ka pa! Paano kung biglang nagdugo ulit ang ilong mo. At saka kailangan ka ng i-test para makasigurado tayo. Hindi na normal ang lagi mong pagn-nosebleed. Baka-"

"There's no need for check-ups. I'm not sick," of course that's a lie.

Bago pa makapagsalita muli si Miss Lyn, tumalikod na ako at nagpaalam. Who brought me there? Ang huli kong naaalala ay nasa school grounds ako.

"Ayos ka na?"

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa nagsalita. Isang lalaki ang nakasandal sa pader ng clinic. It's Chaos Madrigal. Binigyan ko lang siya ng isang malamig na tingin at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hoy."

Sumabay siya sa paglalakad sa akin.

"Maglalaro ka?"

Hindi ko siya pinansin at naglakad lang. Pansin kong may mga napapatingin sa amin. Nagtataka kung bakit kami magkasama. Ako rin naman nagtataka. He doesn't know me. But I know him. Siya si asungot.

"Pero okay ka na ba? Nagulat nga ako kasi biglang dumugo 'yung ilong mo tapos nahimatay ka. Kung hindi pa kita nasalo, siguradong may bukol ka na sa noo ngayon-"

"Shut up," mahina kong sabi.

Napatigil si Chaos sa paglalakad. Napatigil din ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Hindi ka ba magt-thank you?"

Nagsalubong ang kilay ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking braso.

"Ako ang nagdala sayo sa clinic. Sobra 'yung pagdudugo ng ilong mo kanina. Parang mens lang-"

"Pwede bang tigilan mo ako? Nakakainis ka ng asungot ka!"

Sa lakas ng sigaw ko ay hiningal ako. Nasobrahan yata ako. Bigla nalang akong sumabog. Ang mga estudyante ay tuluyan nang napatigil at sa amin lang nakatutok.

Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin ang mga mata. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita.

"I'm perfectly fine. Hindi mo ako responsibilidad so please, whoever you are, tigilan mo ako."

He tilted his head while his eyes are still on me. "I'm fine. Dinagdagan mo lang ng perfectly. That is one of the most used lie on Earth."

"Tss."

That guy, Chaos Madrigal, he's weird just like his name. And I hate weird people. Kaya naman nang hindi siya nagsalita pa ulit ay nilayasan ko na siya.

Bumili na muna ako ng tuna sandwich sa canteen bago ako nagpunta sa gym. Hindi na ako magl-lunch. Malapit ng mag-umpisa ang susunod naming match. Baka sumabog na naman si coach.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon