Chapter 22

150 8 16
                                    

INGRID

Ito na yata ang isa sa mga pinakamalungkot na araw sa buong buhay ko. Imbes na maging masaya ako dahil may isang bagay na naman akong magagawa at mababawasan na ang kailangan kong gawin na nakasulat sa listahan ko ay parang wala akong maramdaman. Seeing Iñigo unconcious, lying on that white hospital bed for the first time worried me big time. I was actually relieved when the operation is finally done. Hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit kailangan nila magsagawa ng operasyon. Was his condition that serious?

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong impormasyon na nalalaman tungkol sa may-ari ng motor na nakabangga kay Iñigo at hindi ako mapakali. I wanted to do something but I can't. Wala akong magawa!

"Ingrid."

Ang sabi ni Manang Lorna kaninang tumawag si Isay sa kanila ay hindi pa raw nagigising si Iñigo. Wala sina Isay at Cash ngayon dito sa bahay. Pumunta si Isay sa ospital habang si Cash naman ay nagpunta sa La Cierto dahil may pasok siya. Chaos never left my side. He was with me the whole time I was praying for Iñigo until we went home.

Siguro'y ilang minuto pa ang lilipas ay dadating na si Manang Lorna. Kahit pa sinabi nilang seven ay dapat nandoon na kami ay hihintayin ko si Manang Lorna. Kailangan kong marinig mismo mula sa kanya kung ano ang kalagayan ni Iñigo.

"Ingrid!"

Ilang beses akong napakurap bago dumako ang tingin kay Chaos. Nagtama ang mga tingin namin. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Kagat-kagat niya ang kanyang labi habang ang mga kilay ay halos magkadikit na.

"What?" tanong ko sa isang mahinang boses.

"Ayos ka lang ba talaga? Kagabi ka pa ganyan. Baka hindi ka makasayaw ng maayos. Dapat relax ka lang-"

"My twin brother is still unconcious. He has three broken bones and they had to do an operation not because of the fucking bones, but because of a reason that I don't know. He could've died if they didn't find a blood that's compatible. I could have helped, but I am damn sick. My leukocytes are taking over my body and I can't do anything to help. Tell me, how can I relax?" medyo hinihingal ako nang matapos akong magsalita.

Chaos leaned back and stared at me. Nagtaka ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. Tumatawa siya pero wala akong makitang kasiyahan sa kanyang pagtawa. It's like he was trying to mock me. Napahigpit ang hawak ko kubyertos at mariing pinaglapat ang aking mga labi.

"What the hell are you laughing at?" I asked.

"Ang ganda mo siguro maging kapatid, 'no? Masyadong caring at maalalahanin. Pero ayaw ko na lang pala. Mas maganda kung girlfriend na lang," his lips curved into a smirk. "Bakit ba masyado mong ini-stress ang sarili mo do'n sa kapatid mo? 'Di naman deserve ni Iñigo ang pag-aalala mo para sa kanya."

"At bakit?" kunot-noo kong tanong.

"He's an ass, Ingrid," naiiling niyang sabi na para bang pinapaalala ito sa akin. "We all know that-except for Tita Andy, of course. Bakit ba kahit ilang beses ka na niya sinasaktan-kahit pala lagi ka niyang sinasaktan umaakto kang parang napakabuti niyang kapatid at deserve niya ang pag-aalala mo? Hindi rin kita maintindihan minsan, Ingrid. Hindi na 'yan healthy!"

"Sino ba ang nagsabing healthy ako?" I huffed. "How can a dying person be healthy, huh?"

We just stared at each other, letting the deafening silence surround us. He was the first one to look away. He tsked and and shook his head like he's disappointed or pissed about something. Padabog siyang tumayo at naitulak palikod ang upuan niya.

"Hihintayin na lang kita sa sasakyan," sabi niya. I can hear his heavy steps as he walk away. But before he could even go out, I spoke.

"I will wait for Manang Lorna," pagmamatigas ko saka umupo ng tuwid.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon