Chapter 5

137 23 1
                                    

INGRID

"Idang! Wakey wakey na! 5:00 na oh!"

Isay. My human alarm clock.

"Five minutes pa," inaantok kong sabi at ibinaon ang aking mukha sa unan.

"Pag hindi ka talaga tumayo diyan, yari ka sa akin! Nakailang five minutes ka na. Jusko! Kapag ako talaga hindi nakapagtimpi sayo Ingrid Imperial."

Okay, that's my cue. Binanggit na ni Isay ang buo kong pangalan. Isay in her monster form is scary. Walang kayang pumalag. You only have one choice. That is to do whatever she wants you to do.

"Pack your things. 30 minutes lang ang meron ka. At least dalawang pambahay at dalawa ring panggala ang i-pack mo. Faster na!" narinig ko ang pagdadabog niya habang naglalakad palabas ng kwarto. Ibinagsak niya ang pinto. Maybe she woke up on the wrong side of the bed? I don't know. Basta bad trip siya ngayon. Well, that's Isay. Nagiging conyo kapag bad trip.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata. Saan ba kami pupunta at kailangang maagang magising? Iilang oras lang ang tulog ko. 3 hours lang yata. At hindi ako sanay na nabibitin ang tulog ko.

After my morning rituals, I changed my clothes and I packed my things. 'Yung sa tingin ko ay kailangan. I put them all inside my backpack, including some of my books, my phone, earphones, and my little saviors. Nandoon na silang lahat, nag-uumagahan.

"Lika na," nakangiting yaya ni Chaos.

I ignored him. Nakaramdam ako ng konting pagkailang nang sundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo ako. What's wrong with him? I think I already made clear earlier. Na kung anong nangyari sa mga oras na 'yon ay mananatiling nandoon. We will act as if nothing happened. I don't want to be involved with him. He's dangerous. At kung talaga ngang magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko, might as well prevent it from happening habang maaga pa.

After eating our breakfast in silence, wala na kaming sinayang na oras. Naunang sumakay sina Isay, Cash, at Iñigo sa van. Si Papa ang nagd-drive habang si Mama naman ay nasa passenger seat. Sina Cash at Iñigo ay nasa pinaka-unang row. Si Isay ay nasa pangalawang row. Sumakay ako at pumwesto sa pangatlong row na hindi ino-occupy ng mga gamit na dala namin.

"Isay," kinalabit ko si Isay.

"Hmm?" lumingon siya sa akin.

"Saan tayo pupunta?"

"Hindi ko rin alam eh. Basta ang sabi ni Tita Andy, magdala raw ng damit. Tapos 'yung sinabi ko kanina. 'Yun lang," she answered.

Hindi na ako nagsalita pa. I rested my head on the head rest. I plugged my earphones and closed my eyes. Nilakasan ko ang volume hanggang sa tanging boses nalang ni Ed Sheeran ang naririnig ko. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pag-usad ng van.

"It's just another night
And I'm staring at the moon
I saw a shooting star and thought of you."

I was banging my head slightly and tappin my fingers on my lap. I sang mentally when the chorus came. Ang ganda na ng soundtrip ko pero may sumira. Some evil person took one plug from my ear and started singing.

"Galing talaga ni Ed Sheeran," he was grinning from ear to ear when he turned his head to me. "Parang ako lang."

"Anong problema mo?"

"Ha? Ako? Wala. Wala akong problema. Ikaw? May problema ka?"

I am starting to get irritated by his grin but it seems like he's enjoying this. After grinning he wiggled his eyebrows up and down.

"Huwag mo naman akong tunawin," he chuckled.

I rolled me eyes. Pinikit ko nalang ulit ang aking mga mata. I need more sleep. Kulang na kulang talaga ang tulog ko. Unti-unti na akong hinihila ng antok. I was too sleepy to protest so I just let Chaos held my head and made it rest in his shoulder. Pagod na akong makipagsagutan sa kanya. Ceasefire na muna.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon