Chapter 9

89 21 18
                                    

INGRID

Na-guilty ako kasi dahil sa akin ay na-late si Chaos sa school kaninang umaga. Isang oras daw siya sa detention room at pinaglinis sila kasama ang iba pang late students ng La Cierto sa school grounds. 8 o'clock na kasi nang umalis si Chaos ng ospital. 9 o'clock siyang nakarating sa school.

"Hay nako! Walang tigil na happy ending. May alam ka bang tragic? Pero hindi nakakaiyak ha? Action or horror. O kaya comedy nalang. How about Filipino movies?" parang batang reklamo ni Chaos.

Kakatapos lang kasi naming manood ng movie sa laptop na pinahiram ni Tita Arra, ang doktor ko. Ayaw ko kasi ng mga pinapalabas sa TV. Hindi ko trip. Paulit-ulit na lang ang mga pinapalabas.

Magkatabi kaming dalawa na nakaupo rito sa hospital bed. Nakapatong sa lap naming dalawa ang unan at doon nakapatong ang laptop ni Tita Arra. Hindi uso kay Chaos ang personal space. Siksik na siksik siya sa akin. Tapos kapag merong nakakakilig na part na siya lang naman ang kinikilig, mapapahawak siya sa braso ko tapos yuyugyugin ako.

"How about anime? Alam mo 'yung Your Lie in April?" I suggested. Kumunot ang noo ni Chaos so I assumed that he doesn't know-

"'Yun ba 'yung story ni Gin at Hotaru?"

Agad ko siyang nabatukan dahil sa sinabi niya. Hindi nga talaga niya alam.

"Hotarubi no Mori e 'yung sinasabi mo."

"Eh bakit ka nambabatok? Tao lang ako! At lahat ng tao, nagkakamali," nakasimangot na sabi niya habang hinahaplos ang kanyang batok.

"Asungot ka."

"Wait. 'Yun ba 'yung babaeng bingi tapos binubully siya? 'Yun ba 'yun? Si ano... Tss. Ano na nga ulit pangalan nun? Basta magkapareho sila ng nickname nung lalaki. 'Di ba?"

I rolled my eyes. Walang kwentang kausap si Chaos. May mga time talaga na mas gugustuhin mo pang kausapin nalang ang sarili mo kaysa kausapin ang taong katulad niya.

"Gusto mo manood ng mga Kpop music videos?"

Napataas ang kilay ko at tinitigan siya. "What?"

"Kpop music videos. Meron naman wifi. Akin na at magt-type ako. Ano bang gusto mo? Sabihin mo lang kung anong group. Blackpink, BTS, EXO, Apink, Girls Generation, Twice, Red Velvet, Got7, Big Bang, 2ne1, Wanna One, TXT, Seventeen-"

"Chaos."

"What?" malaki ang ngiti niya na tumingin sa akin.

"Chaos," tawag ko ulit sa pangalan niya.

"Magsabi ka lang kung anong group-"

"Are you gay?"

Ang ngiti niya ay unti-unting napalitan ng simangot. Kunot na kunot ang kanyang noo at parang nagpipigil na ng inis. Pero nagtaka ako nang ngumisi siya. I saw a glint of playfulness in his eyes. His lips curved into a sexy smirk. Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Are you saying that because you wanted to be kissed by me?"

"Oh, shut up!" inis kong tinulak palayo ang mukha niya.

"Tss. Panira ka naman ng mood. Huwag na nga tayong manood! Pag-usapan nalang natin 'yung tungkol sa pinanood natin kanina. Anong masasabi mo?" tanong ni Chaos at sinara na ang laptop at sa side-table.

"It's unrealistic."

"Why do you say so?"

"Kasi hindi siya based on real life?"

"Ano pa?" pag-uudyok niya sa akin na dagdagan pa ang sagot. He tapped his fingers on the pillow, waiting for my answer.

"Unrealistic nga."

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon