Darkness 9

158 7 0
                                    

Chapter 9

The Favor

< ARK >

"What?!"

Hindi makapaniwalang napasigaw ako kay Tita Janny, my manager, nang sabihin nito ang hindi ko na naman alam na desisyon.

He sighed. His shawl swayed a little when he flipped his imaginary hair as he settle down beside me.

"Ganito kasi 'yon. Hindi ba't cancelled ang photoshoot mo bukas? Reign called me earlier to ask when will you be free again so I told her tomorrow. Hindi ko naman alam na sinabi niya iyon kay Elvira."

I crossed my arms. Damn it! Ano na naman bang ginawa ng babaeng iyon? She also told Elvi the last time that I'm inviting a next dinner again after our first one. Kahit hindi naman talaga ako nagyaya.

I couldn't refused because Elvira's already expecting a second time. Tatlong araw pa lang nung huling dinner namin!

"Why immediately, Tita? Hindi ba pwedeng magpahinga muna ako?"

"Ark, sa dinner pa kayo magkikita. You could rest the whole day, come on! Elvira's expecting you tomorrow already. "

Kasalanan ng babaeng 'yon eh. May oras ka rin talaga sa akin, Reign.

"Fine."

"Anong fine? Napipilitan ka ganoon? Arvie, be a man! Ipaalala ko lang sa'yo na hindi kita papayagan sa mga ganito kapag hindi ko gusto si Elvira para sa'yo! She's a nice woman!"

"I know, Tita. Ayaw ko lang iyong nabibigla ako. You should've told me about it two days before so I could prepare."

"You don't have to prepare too much. Hindi naman ganoon kaarte si Elvira! And besides, you're still  so handsome and appealing, prepared or unprepared!"

Nambola pa talaga!

"Hindi iyon."

"Anong paghahandaan mo kung ganoon? You want to take Elvira into something romantic?" he smirked.

Ngumiwi ako. Paanong iyon ang paghahandaan ko?

"Tita,"

"Kinakabahan ka ba?"

"Hindi."

"Ano kung ganoon?"

I sighed. "I'll come alright."

Sumandal ako sa sofa at pumikit. Akala ko pa naman makakapagpahinga ako buong araw bukas.

"You should. Si Elvira 'yon, nako! I'm telling you, don't miss the chance." aniya.

Hinimas ko ang batok. Our dinner happened because it was Reign who's pushing it. I want to invite Elvira in my own way. Iyon ang plano ko. Matagal-tagalan siguro pero at least hindi sapilitan.

I called Reign when Tita Janny went out for a while. Sinalubong niya agad ako ng isang mapang-asar na halakhak sa phone. Kailan pa ba magsasawa sa pang-aasar 'to?

"What did you do again woman?" tanong ko sa kanya, naiinis at napipikon.

"What?" She giggled. "Come on, Ark. Elvira just ask me kung masusundan pa ba 'yong dinner niyo. Of course I said yes. I think she enjoys it a lot,"

I licked my lower lip. "Then? You told her I'll be free tomorrow?"

"I asked your manager, she said yes. Sinabi ko kay Elvi dahil mukhang gusto niyang malaman kung kailan ka ulit magkakavacant. She wants second time so I told her!"

"She's busy person. She's free tomorrow?"

"She said she'll set aside her pending works. Magiging busy nga talaga dahil nagset na ng appointment ang manager niya sa company na kumuha sa kanya. But still, she has time for you. What did you do to her at bakit ganoon ka na lang kagusto ng babaeng iyon?"

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon