Prologue

508 10 0
                                    


Prologue

Dumilat ako nang maramdamang huminto ang sinasakyan kong taxi. I glanced outside the windows and saw the familiar building of my favorite coffee shop. I remember my last visit three years ago, the building was quite old. Ngayon ay mukhang dinadayo na ito.

"Salamat po," Inabot ko ang bayad at bumaba na sa taxi.

Humarap ulit ako sa gusali. The wind smoothly blew the few strands of my hair. Humigpit ang hawak ko sa dala kong may kalakihang portrait na binalot ko sa karton.

Now that I'm back, I wanted to feel the air of Manila again.

Pumasok ako sa coffee shop at nag-order. I am actually too early for my friend meeting today. May excitement akong nararamdaman gayong magkikita ulit kami ng matalik na kaibigan ko pagkatapos ng tatlong taon.

Habang naghihintay ay dinampot ko ang diyaryo sa mesa. It was a recent publish inquiry update. Hinanap ko agad ang feature section at hindi na ako nagulat pa nang makita ang headlines doon.

"Painter Elvira Bansada revealed her Exhibit Room in iMedia interview,"

"Elvira featured as one of the most offered artist in Asia,"

"The last recent exhibit of Elvira was subjected as the most crowded exhibition of the year,"

Tatlong taon lang akong nawala ay sobra-sobra na ang pag-angat niya sa industriya. She's a good painter and she deserves it. Pakiramdam ko tuloy ay ang hirap hirap ng abutin ng kaibigan ko lalo pa't tutok na sa kanya ang mata ng pinakaayaw ko sa lahat.

"Two frappee for you, Ma'am."

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ng may umupo sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang bisitang inaasam-asam kong makita sa mahabang panahon.

"Oh my god..." Nasapo niya ang bibig nang makita niya ako. "Sheen..."

Tumitig ako sa kaibigan. She's wearing a corporate black top paired with dark jeans which perfectly fit to her legs. Nakabalot ng shawl ang leeg niya, natatakpan ng rimmed glasses ang mga mata at may black cap sa ulo, disguising to hide herself from the crowd.

"God, it's really you!"

Mangiyak-ngiyak niya akong niyakap. I sighed. It's overwhelming to see her. I'm happy. It's not my intention to leave her years ayo but I know myself better. I need to do that in order to survive.

"How are you? Three din tayong hindi nagkita! Oh my god! I miss you so much!"

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. She examined my face. Iniwas ko ang tingin sa kanya at inabot ang kape.

"Kumusta ka na, Sheen? Alam mo bang alalang-alala ako sa'yo? You left me without saying anything! Naging miserable tuloy ako!"

Ngumiti ako. "How are you?" Itinulak ko sa kanya ang isang kape. "Coffee?"

"Thanks." Sumimsim siya roon at tumikhim. "Ayos lang ako. Kagaya pa rin naman ng dati. Pero ngayon, once a month na lang akong nagkakaroon ng exhibit. Ang tagal mo kasing nawala."

"I need to do that. Alam mo naman 'yon."

Bumuntong-hininga siya. "Ang importante naman ay nandito ka na."

"Balita ko ipinakita mo raw sa interview and painting room mo. How was it?"

"It was okay. Kailangan, e. Parte siya sa interview ng magazine kaya tinanggap ko."

Tumango ako. "You're paintings were good."

Tumitig siya sa akin. "Are they?"

"Yeah..."

Tipid siyang ngumiti at inilibot ang paningin sa buong coffee shop.

"Favorite mo talaga ang shop na 'to, ano?"

Lumibot din tuloy ang paningin ko. "Dati. Pero ngayon, crowded na, e."

Natawa siya roon. "You didn't change. Until now, you're still anti-crowd."

Hindi na ako sumagot. Kinuha ko ang dala kong portraits at inabot iyon sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya habang namamanghang kinuha iyon sa akin.

"I made it for three years while I was away. I hope you like it."

Awang ang bibig niya habang binubuksan nang kaunti ang wrapper ng frames. Nayakap niya ang mga iyon at maluha-luhang tiningnan ako.

"You really are back. They're so beautiful, Sheen. Thank you so much."

Humalukipkip ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Elv?"

"Yes?"

"I'm staying her from now on... for you."

Tumayo siya at walang pag-alinlangang niyakap ulit ako. I sighed and embrace her back as well, feeling the warmth of my best friend.

"Thank you, Sheen. Thank you so much! This means a lot to me. I'm so happy to see you again."

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon