Chapter 17Next Week
Elvira immediately fell asleep. It was so obvious that she was rest-deprived. I feel so sad for her. Bumuntong-hininga ako pagkatapos ko siyang malagyan ng kumot.
Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto niya. Wala akong gagawin buong araw ngayon kaya pumunta na lang ako sa sports room. I'll box for a while. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakapagboxing doon.
Kaso. . . parang kisap-matang umurong ang sikmura ko nang madatnan ang pamilyar na lalaki sa sports room. My heart pounded as I watched him with only his sports shorts on, hubad na ang pang-itaas. Umawang ang bibig ko sa mangha at napahinto.
His body is very well-built, halatang regular na nage-exercise. Muscles are on the right places too. Nagtagal ang titig ko sa braso niya habang nagfi-flex iyon bawat suntok niya sa punching bag.
I don't know why of all the nice structures his body has, I am more attractive to his biceps. Tingin ko ay malalakas at matitigas iyon. I couldn't forget how I have been lift with that arms. I'm sure I was lying comfortably that time, even with unconscious state.
Napalunok ako at wala sa sariling inangat ang camera ng aking phone. I captured pictures of him, hindi maalis-alis ang titig sa pawisan niyang katawan. Biglang napadpad ang tingin niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at diretsong naibaba ang phone.
"Hey..." May bahid na gulat din siyang napatingin sa akin.
Kumalabog ang dibdib ko. I want to run away but I know I would only look like a freaking guilty. Kung mananatili rin ako'y sigurado akong hindi niya ako basta-bastang paaalisin. Alinman sa dalawa ang gagawin ko ay parehong nakakahiya. Bumuntong-hininga ako sa inis at nagkagat-labi na lang.
Enough for thinking you can't see him, Sheen. Kahit saan ka yata sa building na 'to, magkikitang-magkikita kayo.
"It's been a while," he said.
Bumaba siya sa ring at hinubad ang suot na gloves. I was startled. He must be distracted now because I'm here. Dapat talaga ay umalis na ako!
"You could continue boxing. Aalis ako," wala sa sarili kong sabi.
Natigilan siya sa pagpupunas ng tuwalya at nilingon ako. "Bakit ka aalis?"
Umawang ang bibig ko, hindi nakapagsalita. Lalo na dahil nakaharap siya sa akin habang nagpupunas at nakabandera sa harap ko ang hubad niyang katawan.
"Stay here,"
I blinked and swallowed hard. "Ah... Hindi na. May gagawin pa rin ako."
"Can you set aside it?" malambing na sabi niya. Kinilabutan ako. "We haven't seen each other for a while,"
Dapat talaga ay hindi ako nagpunta rito para hindi na ako naiipit nang ganito.
"Come in," he demanded.
Bumuntong-hininga ako at sa huli'y wala ng magawa kundi ang pumasok. Pinagmasdan niya ako habang lumalapit. I was shaking and intimidated. I settled myself in the chair and looked at him bravely.
"Pwede mong ituloy. I won't mind." sabi ko.
Nanatili ang tingin niya sa akin, nakanguso. Amusement was dancing on his face. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.
"I mean, I didn't mean to interrupt your boxing. P-Pwede mong ituloy."
He sighed. Natatawa pa rin ang tingin niya sa akin. Uminit ang pisngi ko.
"I'm done." aniya. "Can you wait for me? I'll just shower and change."
I didn't expect him to ask permission. Ilang beses akong napatango-tango sa gulat. Mas lalo siyang ngumuso, may sinusupil na tawa sa labi.

BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
Lãng mạnAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...