Chapter 21Happy Birthday
< SHEENA >
It's finally Saniel's brithday. Sabay-sabay kaming naghanda lahat sa hub. Saniel birthday's theme is a royal white and blue so we had the same fit. Pareho kaming nakadress tatlo nina Jane at April samantalang button down shirt and dark slacks naman ang tatlong lalaki.
"Nasa loob na raw ang ibang kasama natin. They reserved us table." imporma sa amin ni Jane.
Palabas na ako ng service nang alalayan ni Sir Rosbel ang braso ko. I looked at him in suprised.
"You're so lovely." he whispered. "You are so exceptional tonight, Sheena."
Tumikhim ako. "Thank you..."
"Dala niyo na ang gifts for Saniel?" ani April na kumakapit sa akin, mukhang may iniiwasan.
I saw Artem placing his coat in April's shoulder. April looked at him in surprise. Nagtaas ng kilay si Artem.
"It's cold." pagsusungit niya.
April looked away. "'Di ko naman kailangan 'yan."
"You always don't need me."
Nagkatinginan silang dalawa. Si April ang unang nag-iwas at napatingin sa akin. Nakita kong kinabahan siya nang makitang nakatitig ako sa kanila. I looked away and continue walking. What's on them?
Pumasok kami sa loob at nawindang ako sa mga tao. Everyone was on their best royal blue and white fits. Marami ang mga bata at maging sila ay sobrang classy ng mga suot. Hindi ako sanay sa ganito kaya kung bakit pumayag akong dumalo dahil lang sa balitang invited si Ark ay hindi ko kayang paniwalaan ngayon.
"Uy, nandoon sila Alice! Doon tayo!"
Hinila ako ni Jane and we settled down. Nasa iisang table kami at napagitnaan ako ni Jane at Sir Rosbel. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang party. They started with a program and child's games before Saniel was introduced with her parents as her escorts. She's wearing a very lovely blue gown and white long gloves on her hands. Her hair is braided like a royal Disney princess.
Napangiti ako habang tinitingnan siyang mukhang prinsesa sa suot pero parang naghahanap naman ng away sa likot. Kahit sa sariling celebration niya ay hindi talaga siya mapormal. How cute...
"You love children, Sheen?" Sir Rosbel suddenly asked me.
I looked at him.
He smiled. "Paborito ka rin ng mga bata sa hub. You probably love kids."
"Wala naman sigurong hindi gusto ang mga bata."
"May mga hindi gusto. I'm betting my life you'll gonna be a good mother in the future."
I looked away and concentrated on the program.
"Oh my gosh! You're so cute baby San San!" usal ni Jane sa tabi ko.
Nagme-message na ang mga parents ni Saniel sa kanya. Nasa tabi nila si Saniel na kung saan-saan na napupunta ang atensyon, hindi nakikinig sa mga magulang.
Napangiti ako nang sa wakas ay binigyan si Saniel ng chance na makapagsalita sa gitna. The cute celebrant cheered in joy as her lips moved very close to the microphone.
"Hello po ta inyo! Ako po ti Taniel Alleyah Rivera, 6 years old at birthday ko po ngayon, yeheeey!" Pumalakpak siya.
Everybody in the hall chuckled. Inilabas ko ang phone ko at kinunan siya. Kung ano-ano ang mga idinaldal niya sa gitna. Kung hindi lang siya sinayaw ng mga escorts niya ay hindi pa yata siya matigil. Her father, guests, relatives and friends went to her for a short dance.

BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...