Chapter 18Something Inside
"Saan ka ba galing?"
Humihikab pa na salubong sa akin ni Elvira nang makauwi ako sa unit niya. Kagigising pa lang niya mula sa pagpapahinga dahil magulo pa ang buhok.
"Sa sports room."
"Bakit hindi mo ako ginising?"
Nagsalubong ang kilay ko. "Nagpapahinga ka. Bakit kita gigisingin?"
"Syempre, gusto kong sumama!"
"Next time. Bakit gumising ka agad?"
"Bakit? Ayaw mo na akong magising?" hamon niya.
Inubos namin ang buong araw na iyon sa pagkukwentuhan. Tinuruan ko rin siyang maggitara dahil interesado na talaga siyang matuto. Luckily, we ended that day peacefully happy with our bond together.
Kinagabihan ay habang naghahanda sa patulog, tumunog ang phone ko sa isang text message. Kunot-noo akong naupo sa kama at tiningnan iyon.
Unknown Number:
Hope to see you tomorrow.Tumaas ang kilay ko. Babalewalain ko na sana pero muli itong umilaw sa isang panibagong mensahe.
Unknown Number:
I hope you're free.Sino ba 'to?
Me:
Sino ka?Pinatay ko ang cellphone at kumuha ng bagong kumot sa cabinet. Pagbalik ko ay insaktong tumunog iyon muli.
Unknown:
It's Ark.Matagal pa bago nagsink-in sa akin ang nabasa. Kumunot ang noo ko. Isang minuto pa ang pinalipas ko bago nagreply.
Me:
Where did you get my number?Unknown:
I asked from Elvira. I'm sorry. Is it alright?Nalaglag ang panga ko. Paano niya nakuha kay Elvira? I mean, how did he approached her and asked my number? At ibinigay ni Elvira?
Me:
You should've asked me. Why did you get my number?Unknown:
In case lang. I'm really sorry.Hindi ko alam kung bakit kumalakabog ang dibdib ko. Hindi ko na tuloy magawang magtipa ng mensahe pabalik.
Unknown:
Can I call?Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pa man nakuha agad ng utak ko iyon, tumunog na ang phone ko sa tawag niya. Halos mabitawan ko ang phone ko. Nataranta tuloy ako ng pinulot iyon sa kama at aksidenteng napindot ko pa ang green. It was late when I realized, I accepted his phone call! Ayaw ko sanang sagutin, e!
"Good evening..." I heard his deep husky voice from the other line.
Napasinghap ako sa kaba.
"Y-Yeah... Hello?" Napapikit ako nang medyo mautal.
I didn't know why I'm still stammering even when he's not in front of me. Hindi ko na talaga alam anong nangyayari sa akin.
"Nadisturbo ba kita?"
His voice sends shiver down my spine. O masyado ko lang bang dinadamdam ang boses niya?
"Hindi. Bakit ka napatawag?"
"I'm sorry for getting your number from Elvi. Pakiramdam ko kasi hindi mo ibibigay kapag ako ang nanghingi. You were... distant to me. I'll ask you next time."
"Ayos lang..." nangantal pa ang labi ko. "Bakit mo pala kinuha? May sasabihin ka ba?"
"I need to know if you're free tomorrow or not."

BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...