Darkness 2

253 6 0
                                    


Chapter 2

Dark Living

Thankfully, I was able to calm myself before arriving to my apartment. Nang makita ko si Elvira na naghihintay sa sofa ay kumalma ako nang tuluyan.

The sudden attack of pain in my head earlier just by watching that man in the billboard is a mysterious to me. Hindi ko alam kung bakit umatake ang isang ala-ala sa akin dahil doon.

"Sheen! Where have you been?" salubong sa akin ni Elvira at malambing na niyakap ako.

"Naghanap lang ng pwedeng part time. Kumain ka na?"

"Yup."

Dumiretso ako sa kusina. I pitched a glass of water from the freezer and offer it to her na hindi naman siya tinanggihan.

"Mabuti at hindi ka nasundan ng mga paparazzi mo rito?" seryoso kong tanong.

Uminom siya ng tubig at umiling. "I made sure they won't. I know how much you dislike people. Sigurado ko na rin kay Tita na safety akong makakarating dito."

"Your manager will fetch you here?"

"No. I will go home alone. Dala ko ang sasakyan ko pero kung nangangamba ka pa ring baka masundan ako, I'll ask Tita to fetch me."

Tumango ako at nakuntento na sa sagot niya. Lumubog ako sa sofa at isinandal ang likod doon.

I'm sure that the billboard isn't part of my memories. But why did I feel that horrifying pain earlier which symbolizes familiarity? Bakit biglang nagkaroon ng trigger?

"How was your errand? Saan ka nag-aapply? Nakuha ka ba?" tanong ni Elvira habang pinagmamasdan ako.

Ipinagpahinga ko ang batok sa sofa at tumingala. I badly need to rest pero kung gusto talaga ng kaibigan kong ito na manatili rito, pagbibigyan ko na. Minsan lang 'tong nakakabisita.

"Tatawagan pa raw ako."

"Saan ba kung ganoon?"

Pumikit ako at umiling. Wala akong balak sabihin sa kanya iyon. "Wag mo ng alamin."

She groaned. "Come on!"

"Tss. 'Wag na nga."

Humalakhak siya. "Come on, Sheen! Hindi ako manggugulo, promise! I can't promise that I couldn't visit kasi bibisitahin talaga kita lalo na kapag gusto kitang makita. But I won't cause trouble. Okay?"

"Tss."

Tumawa pa siya lalo ko. I sighed heavily.

"Sige na. Ikaw talaga! Saan ba 'yan? Sa isang kompanya ba? Restaurant? Coffee shop?"

"Sa isang painting tutorial hub."

Saglit siyang natigilan sa pagtawa. Dumilat ako at tiningnan siya.

"Magtutorial ka?"

"Yes. Sa mga bata. That's a painting tutorial for children."

"Okay." She smiled. "Sheen, sa totoo lang, kinakabahan ako."

"Saan?" seryoso kong tanong.

"Sa exhibit ko next week. You know, it's so grand."

Ibinagsak ko ulit ang batok ko sa sandalan. "It's not as if it's your first time."

"Yes, it isn't. Pero kasi, magkakaroon ako ng actual painting sa harap ng lahat. Iyon ang first time."

"Your paintings were nice. Hindi ka sisikat ng ganyan kung hindi. Wala kang kailangan ipangamba."

"But I'm still nervous. I really want you to be there. Ikaw lang ang alam kong magpapakalma sa akin." she said in almost begging tone.

Pampakalma ko rin naman siya. Lalo na kapag inaatake ako ng sakit sa ulo. I need to see her in order for me to calm. Ganoon din siya sa akin. Iyon ang nakasanayan namin sa ilang taong pagkakaibigan naming dalawa. Pero kasi, alam niyang hindi ko talaga kayang gawin ang hinihingi niya.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon