Darkness 22

125 3 0
                                    


Chapter 22

First Picture

"Uuwi na ako."

"Huh? Bakit? Hindi pa tapos ang party para sa mga adults." si April.

Kanina ko pa sinasabi sa kanila na uuwi na ako. I don't want to ruin their party so I told them I'll go home alone. Kaso hindi naman nila ako pinapauwi.

"At saka, ayaw mo bang magpapicture muna sa kanila? You idolize Elvira, right? Once in a life time lang 'to!"

"Sayawan na lang naman. Ayokong sumayaw. Inaantok na ako."

"Mawawala rin 'yan! Tingnan mo nga 'yong bruhang si April, kanina pa nagpapalitrato. Ako na ang susunod kaya hindi pwedeng umalis na agad tayo."

"You could all stay here."

"Ano ka ba? Sila Elvira at Ark nandito pa nga ako, o! Ikaw ba artista rito at mukhang napakabusy ng sched mo?"

I sighed heavily. Bumalik na lang ako sa table namin at napainom ng tubig. Sumasayaw na ang mga bisita sa gitna. Si Saniel ay nagsasayaw na rin kasama ng mga bata pero madalas siyang kinukuha para sa pictorial. Gusto ko rin sanang magpalitrato kasama siya kaso hindi ako makatyempo. Lapit kasi siya ng lapit kay Ark.

"Do you really want to go home? Ihahatid kita." Sir Rosbel sat beside me.

I shook my head. Tahimik kong pinanood ang lahat na nagsasaya. I saw some children and parents went to the two celebrities for pictures. I looked away.

Kagaya ko ay nagmamasid lang din si Rosbel sa mga nagsasayaw. Nilingon ko ang stage at nakitang wala na roon sina April at Jane. Hahanapin ko na sana kaso nahagilap ng tingin ko ang titig sa akin ni Ark. Seryoso at walang kakurap-kurap. Bumudol ang kaba sa dibdib ko. Inalis lang niya ang tingin sa akin nang bigla siyang kausapin ni Elvira.

Nag-iwas din ako. I want to distract myself so I focused my eyes on the dancefloor. Nagsasayaw na sina Jane at Jeemar. Si Artem naman ay pinipilit ding isayaw si April na kabado pa at nahihiya. Nagtagal ang titig ko sa dalawa.

Hmm...

Biglang naghiyawan ang mga tao. Napalingon ako at nakitang niyayaya ni Elvira si Ark na sumayaw.

I gritted my teeth. Muling nanaig ang malakas na tilian sa buong hall nang tumayo si Ark. Elvira blushed when Ark held her hand as she wrapped her arms around Ark's neck. Napahinto ang mga tao sa mga ginagawa upang panoorin sila.

A mellow song played in the stereo. Flashes cameras were around them. Kasabay ng tuksuhan ng mga bisita ay ang pag-indayog nila sa gitna. Bumuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin.

"Sumayaw lang po ang gustong sumayaw. Sabayan po natin ang ating special guests!" the host announced.

Nagkanya-kanya na ring sayaw ang mga bisita. Saniel's dancing with her father. I smiled. Imbis na sa dalawang artista ay sa kanila ko na lang itinuon ang atensyon ko.

"Would you like to dance?" biglang bulong sa akin ni Sir Rosbel.

Inilingan ko siya. "Hindi ako marunong sumayaw."

"It's okay. I'll lead the dance."

Umiling ulit ako.

"Just tonight. Para hindi ka antukin."

Tatanggi pa sana ako kaso may tumulak sa akin papunta sa kanya. Nalingon ko si April na nakangisi sa akin. May panunukso rin ang tingin ni Artem na katabi niya.

"Sumayaw ka na! Isipin mo na lang na para kay Saniel ito. Nakakahiyang magkatabi kayong dalawa pero hindi kayo sumasayaw. Sayaw na, go!" bunganga niya.

"Ayokong sumayaw." iling ko.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon