Chapter 16IG's Story
Napakurap ako matapos ang mahabang titigan na iyon. Gusto kong nagulat nang wala akong maramdamang pintig o pagkahilo pagkatapos ng titigan. I wonder if this is because I'm kinda used of seeing him and I'm starting to feel comfortable?
Inilapag ko ang gitara. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin kaya hindi na naman ako nakahinga nang maayos.
"What's the title of the song?" he asked after a while.
I held my breath and didn't speak.
"I love the song. What's that song, please?"
"It's my favorite." wala sa sarili kong nasambit.
"Really?" His eyes dancing of amusement. He let out a soft chuckle. "What song is it?"
"Undo. Sanna Nielsen."
"Seems new to me but... I like it."
Tumayo ako at nagdesisyon ng aalis pero iniharang niya ang paa niya sa daraanan ko. I was trapped between his huge legs and the table behind me. Gulat ko siyang nilingon. His gentle eyes met mine.
"Aalis ka na?" marahan niyang tanong.
Nanindig ang balahibo ko. Naaasiwa ako sa namumungay niyang mga mata kaya maagap ang pag-iwas ko ng tingin.
"You just came." he pointed out.
"M-May gagawin pa ako."
Matagal bago siya nakapagsalita. "When can I see you again, then?"
"Huh?" Nilingon ko siya.
He swallowed hard. "Can I see you again?"
Naging aligaga bigla ang mga mata ko kaya halos mapatalon ako nang hawakan niya ako sa braso.
"I hope to see you again, Sheena."
"Bitawan mo ako."
Pagod siyang ngumiti at tumango. Marahan niyang binitawan ang braso ko.
"And I hope it will be longer next time." titig niya. "I'd like to spend more time with you."
Wala sa sarili akong napatitig sa kanya. He smiled and moved his feet away. Hindi ko pa makuha ang gagawin ko pero kalauna'y dire-diretso akong naglakad papalabas, hindi na nagpaalam sa kanya.
That was our last encounter upon visiting Elvira's place. Iyon din ang huli naming pagkikita. Ngayon ay mag-iisang linggo na akong hindi nakabalik doon dahil naging abala na. Sa ibang rotunda na rin ako nagjogging kaya hindi na kami nakapang-abot dalawa.
"Sheen, halika muna! May ipapalabas daw ulit na painting si Elvira this month. Alam mo ba kung ilan?" April approached me to ask that.
Umiling ako. I'm not sure how many. Depende kasi iyon kay Elvira kung ilan ang ipapalabas. But the last time I checked, mga three to five ang paintings niya sa painting room.
"Sabi mo idol mo siya? Dapat updated ka!"
Ngumisi ako. "Hindi niyo nga rin alam kung ilan, e."
"Ano ba 'yan! Excited na tuloy ako sa mga ilalabas niya."
Elvira went really busy these past weeks. Balita ko sa manager niya ay focus na focus daw siya sa mga company offers at iba't ibang endorsements. Gabi na raw kapag umuuwi sa unit at kinaumagahan ay maaga ring umaalis. Kung sobrang pagod na ay sa bahay na lang siya ng manager natutulog o di kaya'y sa station.
Nakakapagpahinga naman daw siya pero hindi rin gaanong sapat. Nag-aalala tuloy ako. We didn't call each other that much now. Maliban sa pinagbabawalan siya ng manager niyang magcellphone, inuubos na rin daw niya ang vacant time sa pagpapahinga.

BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...