Chapter 7Like Him
< SHEENA >
"Your samples are really good. Tama ang desisyon kong tanggapin ka agad dito." komento ni Sir Rosbel nang makita ang iilan pang sample paintings ko.
"Thank you, Sir."
Tinitigan niya ako. "I heard from Jane that among all the tutors here, ikaw ang pinakagusto ng mga bata. I'm glad you're enjoying their company."
"They're all nice."
Ngumiti siya. "I'm sorry if I went busy, too. May inaasikaso akong emergency sa bahay. Until now it wasn't fix but I want to visit here so I did."
I didn't know why he's explaining it to me. Hindi naman ako interesado at wala naman akong koneksyon sa pagiging abala niya.
O baka ganito lang siya sa lahat ng mga tutors dito?
"Okay lang." simpleng sagot ko.
"Pasensya na kung hindi kita naasikaso agad. Babawi na lang ako."
Anong sinasabi niya? Bakit siya babawi?
"Ayos lang, Sir."
"Nabanggit din sa akin ni Jane na sumakit daw ang ulo mo noong nakaraang linggo. Ayos ka na ba ngayon?"
"Oo."
"What exactly happen?"
Normal bang itinatanong pa niya ito sa akin?
"Normal na sakit lang sa ulo. Ayos na naman ako. Hindi na bumalik ang sakit."
"That's good to hear. Nag-alala ako para sa'yo."
Hindi na ako nagsalita.
He sighed. "Sigurado kang ayos ka na?"
"Oo."
"Then, are you free this afternoon? After work? I was hoping for a chance... to ask you to go out so..."
Nagtagis ang bagang ko. I couldn't understand it.
"Just to unwind a bit. Maybe you're getting stress lately kaya sumasakit ang ulo mo. Or you're skipping your meals. Let's eat outside para makabawi ka at makabawi na rin ako sa'yo." aniya.
Ano bang pinagsasabi niya?
"Mamaya pa naman tayo lalabas. I'm offering what will be good for you."
Unluckily, your offer isn't good for me.
Tinagilid ko ang ulo ko at seryoso siyang tiningnan. I'm starting to hate this anymore.
"May lakad po ako mamaya. Salamat sa paanyaya. Lalabas na po ako."
"Sheen—"
"Hindi po ako mahilig lumabas. Huwag niyo na pong ipilit. Pasensya na."
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Lumabas na agad ako. My attitude may look really rude pero kapag ayaw ko talaga sa isang bagay at kinukulit ako, hindi ko mapigilan ang maging bastos.
Naabutan kong nag-uusap sina Jane pagkalabas ko sa opisina. It's our lunch break at dahil tapos ng kumain, hinihintay na lang namin ang pagdating ng mga afternoon batch.
"Elvira made it so impressing. My gosh! Ang ganda-ganda ng new revealed painting niya sa exhibit. Naiiyak ako!" I heard April said.
"I'm so happy for her! Kahit hindi tayo nakapunta sa exhibit, okay na! Gosh, sana mameet ko siya sa personal!" ani Jane.
BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...