Darkness 10

145 3 0
                                    


Chapter 10

Couldn't Escape

Nagising akong puro puti ang nakasalubong ng mga mata ko. I stared blankly at the white ceiling. Magpapasalamat na sana ako sa pag-aakalang langit na ang nakikita ko pero nang maramdaman ang IV sa aking kamay, alam ko agad na nasa hospital ako.

"Sheen?"

I heard Elvira's voice beside me. Dahan-dahan ko siyang nilingon. I saw her with still in her formal attire, slight messy hair and deep bloodshot eyes. Mukhang kagagaling lang sa trabaho't pagod dahil hindi na nakapagbihis pa.

She softly held my hand. Ramdam ko ang sobrang pagod niya. I squeezed back her hand when I saw her eyes become teary.

"I-I'm sorry..." I muttered.

Suminghot siya. Her tears fell. "Why are you saying sorry? Hindi ba't dapat ako ang magsabi niyan sayo?"

"I'm sorry." I feel guilty and hurt at the same time.

"No. I'm sorry." She wiped her tears. "Sana hindi na lang kita pinilit na pumunta. Sana... I just managed my time well."

"Hindi mo kasalanan."

"No, it's my fault. Natatakot akong baka umalis ka ulit, Sheen. That you'll leave me again."

"Hindi kita iiwan."

"I won't hold to that. Your memories went back here. Lilisanin mo rin ang lugar na 'to... dahil na trigger ang aalala mo."

"I'm trying my best to stick here, Elvi."

Malungkot siyang ngumiti. "But you will leave soon. I know you so well. This is all my fault."

Umiling ako. "Wala kang kasalanan. It just happened that no one of us expected the trigger. Kahit ako ay hindi ko inaasahang mangyayari iyon pagkatapos kong makita iyong Ark."

Natigilan siya sa pagpupunas ng luha. Tumagal ang titig niya sa akin.

"Will you mind me asking what exactly happened? Paano nangyaring natrigger ang ala-ala mo nang makita mo si Ark?"

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Is the name Ark ring a bell?"

Umiling ako. "Hindi. His name's unfamiliar to me."

"Then how was it happened? Ark doesn't ring a bell but his face is familiar to you? Is he part of your past? Kaya nung nakita mo siya, nahimatay ka?"

Kinalas ko ang kamay kong hawak niya. Pumikit ako nang mariin. "He's... similar to him, Elvi."

"Huh?"

"Kamukha niya." Tinitigan ko siya sa mata. "Kamukhang-kamukha niya."

It makes sense to me now. Kaya pumipintig sa sakit ang ulo ko nung una ko siyang nakita sa billboard at magazine dahil may mukha siya ng nakaraan ko. Kamukha niya ang taong kinamumuhian ko noon na hanggang ngayon ay hindi ko maalala ang pangalan. I felt my whole body shaking thinking all of that. Hindi ko alam kung siya nga ba iyon o hindi pero isa lang ang sigurado ako.

Nakakatakot siya. Kailangan ko siyang iwasan. Iyon lang dapat ang una at huli na naming pagkikita.

"Anong kamukha?" she curiously asked.

Hindi ko alam kung bakit nangingilabot ako sa takot.

"Kamukha siya ng taong sumira sa pagkatao ko noon, Elvira."

"What do you mean by that?" aniya sa gulat at naiinis na boses. "Sinasabi mo bang possibleng siya ang lalaking parte ng ala-ala mo? Ang lalaking ayaw mo ng maalala?"

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon