Darkness 24

125 2 0
                                    


Chapter 24

Blur Memories

His face went back to being playfully happy again. Nakakainis na mukha pa siyang natutuwa na nakikita akong nagagalit at masama ang tingin sa kanya. Akala niya siguro mahahawa ako sa mga ngisi niyang mas lalo lang pinapainit ang ulo ko.

"What is this all about, hmm?" he asked sheepishly.

Naasar ko siyang itinulak pero mas lalo niya akong idiniin sa pinto. Pinandilatan ko siya.

"Lumayo ka sa akin."

"You asked me to stay away from Elvira and now you ask me to stay away from you, too? No way."

"Ano?"

"Hindi pwede." Sumeryoso siya. "Hindi ako lalayo lalo na ngayong alam ko ng..."

"Anong alam mo na?"

"Bakit gusto mong layuan ko si Elvira?" iwas niya sa usapan.

Napakurap ako. Kumalabog ang aking dibdib nang mas lalo siyang lumapit sa akin.

"Why did you asked me to stay away from her, hmm?"

"K-Kasi nga nakakasama ka sa kanya."

"Paanong nakakasama?"

"I already told you! She'll leave painting so that she could focus on acting. Gusto ka niyang makasama sa field ng Show Business."

"She'll leave painting?"

"Oo," bumuntong-hininga ako. "Kaya nga layuan mo siya. I don't want her leaving painting just because of you."

He bit his lower lip and gently nodded. "Sa kanya ako nakakasama, pero sa'yo hindi, 'di ba?"

"Nakakasama rin."

"What?"

"Wala kang mabuting idudulot sa amin."

"The hell..." He frustratedly licked his lower lip. "Nakakasama ako sa'yo?"

In many ways, yes. You pulled out something strange inside me na kahit ako ay hindi alam na mayroon pala noon. Nakakasama ka talaga sa amin.

"Paanong nakakasama ako sa'yo, Sheen?" desperado niyang tanong.

"Uuwi na ako."

"No. We still need to talk."

"Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Aalis na ako."

Inilagay niya ang kamay niya sa pinto at iniharang ang paa sa ibaba, pinipigilan akong umalis. Nakapipid na ako sa pinto at mas lalo kong gustong kumawala dahil kabadong-kabado na ako!

"I couldn't avoid Elvira."

"Ano?" I glared at him. "At bakit hindi?"

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko. "I just can't."

"Bakit nga hindi?!"

"Bakit hindi mo sinasagot ang text at tawag ko?"

Oh my god! He couldn't give a reason! Gustong-gusto niyo ba talaga ang kaibigan ko?

"Sagutin mo ang tanong ko!"

"Sagutin mo rin muna ako," seryoso niyang sabi. "Bakit hindi mo sinasagot?"

"I am busy-"

"You always said that as an excuse." Bumuntong-hininga siya. "What's wrong, love? May nagawa ba ako?"

"Wala!"

"Hindi ko alam kung kailan ka bilang nagagalit. I want to be with you but I'm afraid I'll irritate you so much."

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon