Chapter 12She's Familiar
< ARK >
I closed the magazine after I saw its top headline. Hinilot ko ang sentido ko. I sometimes couldn't understand people. Ini-isyu ang mga walang katuturang problema. This is the reason why I don't want to go to interviews if it's about me linking to other celebrities.
"Who's the girl you're carrying, Arvie? Si Elvira ba talaga 'yon? Bakit mukhang nag-iba ang porma niya? I mean, the hair! Effort na effort talagang magdisguise?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Tita.
Kanina niya pa ako kinukumbinsing paunlakan ang mga interviews. Ilang ulit ko na rin sinabing wala akong planong humarap. I chose my interviews.
"I called her manager and she said that Elvira was with her when that pictures spreaded! Hindi rin naman daw nahimatay si Elvira. Who could possible that girl? Kaibigan mo, girlfriend, ano?"
"Let me deal with it, Tita."
"I want you to deal with it pero sa ngalan na alaga kita, kailangan kong malaman ang pinaggagawa mo! Tell me honestly, who's that girl Arvie? Bakit siya ang nandoon imbis na si Elvira?"
"I don't know... Siya ang sumulpot doon."
"Paanong siya? Sino ba 'yon?"
"She's Elvira's friend."
"Elvira's friend? Bakit kayo magkasama?"
"Elvira send her for a while, that's what she said. Matatagalan daw ng dating si Elvira kaya pinadala siya roon. Elvira didn't want me to keep waiting."
"Ganoon? At paanong naging buhat-buhat mo ang babaeng 'yon?"
"She fainted after she saw me."
"What?! Nahimatay? Bakit daw?"
I blew a deep breath. Palaisipan sa akin ang babaeng iyon pati na ang biglaang pagkahimatay niya. There's part of me that says she's familiar. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan.
"I don't know." I bit my lower lip.
"Gosh, kaya kailangan mong linawin 'yan sa media eh!"
"Aish, ayoko."
"Arvie, parte ang ganitong pangyayari sa buhay mo simula nang pinasok mo ang mundo ng show business. Ilang taon ka na rito, hindi ka pa ba nasasanay? Hindi sa lahat ng oras ay palagi mong natatanggihan ang ganito. Everyone needs your opinion to that rumor."
"Let them think what they want to think. Ayokong magpainterview."
"Kahit kaunting statement lang, come on! Mas lalo silang magwiwilga kung wala silang makukuhang statement sayo!"
Isinandal ko na lang sa sofa ang batok ko at humalukipkip.
Naalala ko pa kung paano siya biglang umupo sa harap ko nang gabing iyon, nagsalita nang walang emosyon at nahimatay pagkatapos niyang maiangat ang tingin sa akin. I didn't get a chance to look longer at her the moment I caught her, but I stared longer when I put her in to my car.
BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomantikAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...