Darkness 1

347 6 0
                                    


Chapter 1

Painful Memory

< SHEENA >

Tiningal ko ang gusali ng isang painting hub for kids. Medyo dinadayo ng mga tao ang building at kahit labag sa gusto ko, wala na talaga akong magagawa. Kanina pa ako naghahanap ng ibang building na hindi masyadong crowded para mag-apply ng trabaho. Kanina pa rin ako napapagod sa kalilibot kaya I swear, this will be the last.

Kapag hindi pa rin ako makapasok, bahala na si Bumblebee!

"Magandang umaga po. Ikaw ba si Ms. Sheenalver Villacana?"

I nodded at the woman's question. Ngumiti siya sa akin at itinuro ang isang medyo close at may kaliitang opisina.

"Nandiyan po ang boss namin. Doon po niya kinakausap ang gustong mamasukan dito sa painting hub. Sasamahan po kita roon."

Tumango ako sa kanya at sumunod.

"Nasa main room pa si boss, Sheena. He'll be here anytime kaya pumasok ka na lang muna sa loob at maghintay."

Tumango ako. "Salamat."

"And anyway, I'm Jane. Isa ako sa pinagkakatiwalaang manager ni Sir Rosbell."

She smiled and offered her hand to me. Nagtagal ang tingin ko sa kamay niya.

"Sheena." simpleng sabi ko at mabilis lang na tinanggap ang kanyang kamay.

Pumasok ako sa loob ng office. Tahimik doon. Walang ibang maririnig maliban sa tunog ng electric fan at ang mahinang volume ng TV.

Dahan-dahan akong umupo sa isang couch. I wander my eyes around. Things are neatly arranged in every corners. This is exactly the place I wanted. Iyong maliit at masikip pero maayos at malinis.

Dumako ang tingin ko sa naka-on na TV. Slowly, I shifted on my seat when I saw Elvira being the center of the TV show. Ininterview siya ng host pero ang naabutan ko na ay ang pagharap niya sa camera para sa promotion.

"Maraming salamat po sa lahat ng tumatangkilik ng mga paintings ko. I will be having a grand exhibition next week on Wednesday and I hope you could come. Para po sa inyo ang lahat ng narating ko. Maraming salamat!" she said and waved on the camera.

The host smiled when the audience cheered.

"Everyone is waiting for our most celebrated female artist's exhibit next week. I'm sure siksikan na naman sa dami ng tao ang exhibit mo, Miss Elvi. What are we going to expect ba on your grand exhibit?"

"Everything will be surprise po but I will spoil two things. I will reveal new portraits po and I will execute an actual painting next week."

Umingay ulit nang maghiyawan ang mga tao sa station ng show. Sumulyap ako sa relo at nakitang ten minutes na akong naghihintay. I don't know how long I'd be waiting for the boss but I'm hoping that this would end early.

"Wow! Actual painting! Ito ang first exhibit ko na magpapainting ka ng actual, hindi ba? And you will reveal new paintings? How many?"

"It would be surprise po."

"Gosh. Nae-excite na rin tuloy ako! Mukhang marami talaga kaming aabangan sa exhibit mo! Thank you, Miss Elvi. Everyone, around of applause to our most celebrated female painter for years, Miss Elvira Bansada! Congratulations and we are so pleasure having you today!"

Tumitig ako sa kaibigan na nasa sentro ng palakpakan. I couldn't imagine myself in her place. I'm proud that she's there... A celebrated painting star is what she truly deserves.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon