Darkness 15

151 2 0
                                    


Chapter 15

The Mystery

Akala ko ay simula ng encounter naming iyon sa rooftop ay matatagalan pa bago ko siya makita. But things happened when you're not really expecting it to occur. Hindi ko na naman mahagilap ang huwisyo ko nang maabutan ko siyang pawisan na nagbo-boxing sa sports room, isang linggong naisipan ko muling bumisita sa unit ni Elvira.

Napahinto ako sa akmang pagpasok. He was punching the punching bag without so much force but it bounces really far. He looks effortlessly strong.

Dahil ko alam kung itutuloy ko ba ang pagpasok o hindi, nanatili akong nakatingin sa kanya. He's wearing a proper attire for boxing, red sport shorts and white sando with a red gloves on his hands. Seryoso niyang pinagsusuntok ang punching bag, hinihintay ang pagbalik nito mula sa pagtalbog at saka muling susuntok. Tagaktak na rin ang pawis niya sa noo, leeg, likod, balikat at sa braso niyang siksik sa muscles. Pormadong-pormado.

Nagtagal ang titig ko sa mga braso niya. Hindi ko alam kung bakit lahat naman ng nasa kanya ay nakakamangha pero sa braso ako napapahinto. I closed my eyes tight and shook my head.

You're crazy, Sheena! Damn, hindi talaga maganda ang dala ng artistang ito sa akin! Nawawala ako sa sarili kapag nakikita ko siya.

"Damn it. You're not sane..." I whispered irritatedly to myself.

Dumilat ako at nagdesisyon ng huwag na lang tumuloy. Pero laking gulat ko nang makita ko na siyang ginugulo ang pawisang buhok habang... papalapit sa akin.

Nataranta ako. Napalinga-linga ako sa kaba at akma ng aalis nang bigla siyang nagsalita.

"Where are you going?"

Sinubukan ko muling maglakad pero humarang na siya sa harapan ko. Tuluyan na akong napahinto at napakurap.

"Hmm?" he titled his head.

Pinigilan ko ang sarili kong mapakagat-labi. Bakit ba ang hilig niyang humarang?

"Excuse me." I refused to look at him.

He didn't move. Hindi ako sigurado kung ano ang magandang gawin, ang tumingala at makita ang mukha't braso niya, o ang yumuko pero shorts niya ang bumubungad sa akin. Tingin ko ay pareho namang maganda.

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. Sheena? Sira na ba talaga ulo mo?

I moved to the left but he effortlessly put a feet and then I'm already blocked. Naglapat ang mga labi ko, naiirita na sa kaba. Hindi ba nakakaintindi ng salitang excuse 'to?

"Padaan," pigil ang inis kong utos.

But again, he didn't move. Humalukipkip lang at mas lalong hinarangan ako.

"Saan ka pupunta?" he asked.

I gritted my teeth. Does it matter where I am going?

"Aalis."

"Bakit ka aalis? You're here to play boxing, right?"

Hindi na ako magtatakang alam niyang boxing ang sinasadya ko rito. He once saw me punching the best of it.

"Aalis na ako."

"Dahil nandito ako?"

Hindi ako sumagot.

"Why are you avoiding me, Sheena? May ginawa ba ako? Did I offend you or something?"

Natigilan ako. Why is he asking me that? He didn't do anything and he didn't offend me pero hindi ko siya kilala, natural na dapat ko siyang iwasan. Maliban pa hindi rin maganda ang naidudulot niya sa akin.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon