Chapter 29Arvie Khayl
"E-Elvira..."
Pagalit niya akong tingnan. Wala sa sarili akong kumalas mula sa pagkakayakap ni Ark. Her eyes went to Arm's arms around me and it went sharper.
"Why are you here? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag kang pumunta rito?" singhal niya sa akin.
"W-Why did you do that?"
"Ang ano?"
"I-I've watched your interview, Elvira. Bakit mo sinabi iyon?"
"So?"
"At least explain to me. Bakit ka nagdesisyon nang hindi sinasabi sa akin?"
"Obligado ba akong sabihin sa'yo ang lahat ng desisyon ko?"
I can't believe her. I can't really believe her.
"Elvira, bakit ba kung makapagsalita ka ay parang wala kang kailangang ipaliwanag sa akin?"
"Dahil wala naman talaga! Buhay at desisyon ko 'yon! You are out of it!"
Namamangha ko siyang tiningnan. Naramdaman ko ang paggapang ng inis sa akin pero kinalma ko agad ang sarili. May pinanggalingan siya... ang mga naging desisyon niya. At iyon ang kailangan naming pag-usapan.
Ark wasn't talking but he's attentive beside me. Kinagat ko ang labi ko.
"Mag-usap tayo nang maayos," sabi ko.
Inirapan niya ako at walang sali-salitang binuksan lang ang condo niya, nagpapahiwatig na doon kami mag-uusap.
Naramdaman ko ang bahagyang pagkaalerto ni Ark. He held my waist to catch my attention. Masama ang tingin ni Elvira sa kamay ni Ark sa beywang ko bago siya nagdire-diretso sa pagpasok.
Marahan akong hinila ni Ark sa kanya. Nilingon ko siya at nakitang naninimbang ang titig niya sa akin.
"Are you sure you want to talk to her?" he asked worriedly.
Seryoso ko siyang tiningnan at tinanguan. "Wala akong ibang pakay ngayon kundi ang kausapin siya."
"Pero–"
"Papasok na ako."
"Sheen, I'm worried."
"Mag-uusap lang kami."
Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob ng condo. Nang maisarado ko ang pintuan ay agad na sumalubong sa akin ang madilim at galit na mukha ni Elvira. Padabog niyang inilapag ang kanyang bag sa sofa habang nakatitig pa rin sa akin.
"Napakapanira mo, alam mo ba?" she started. "Akala mo hindi ko nahahalata kung anong meron sa inyo ni Ark? Ginawa mo akong tanga, Sheen! Noong tinanong kita kung may alam ka bang babae ni Ark, tumatanggi ka. Kahit na alam na alam mong ikaw iyon! Ikaw ang babaeng tinatawagan niya gabi-gabi! Ikaw ang babae niya!"
Nagtiim-bagang ako.
"Alam mo kung gaano ko kagusto si Ark, Sheen! Alam mong gustong-gusto siya! Bakit mo inahas? Bakit kailangan mo siyang agawin sa akin?"
Her choice of words is hurting me like hell. Mas masakit dahil wala namang katotohanan iyon. Hindi ko inahas sa kanya si Ark.
"Dati ko pang napapansin ang kung ano sa inyo, eh! Binalewala ko lang dahil may tiwala ako kay Ark at may tiwala ako sa'yong hindi mo siya papatulan! Pero, nga naman.... You can't expect a mysterious and secretive woman like you to be all saint, right? Sabi nga nila, kung anong ikinatatahimik ng tao, ganoon din kalalim ang landing nakatago."

BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...