Darkness 8

146 3 0
                                    


Chapter 8

Her Punishment

"Stop doing that, Jane."

Kinuha ni Sir Rosbel ang papel na hawak-hawak ni Jane at inilapag ito sa mesa. Kumunot ang noo ni Jane.

"Boss? Bakit? Darating na ngayon ang inorder nating mga materials. Tumawag ang panel."

"Hindi ikaw ang gagawa niyan."

"Ha? Bakit?"

"Sa iba mo 'yan ipagawa. Yung walang ginagawa rito." he said coldly and turned to me.

Mahinang natawa si Jane. "Teka lang, who else would do the job? Ako ang nakaassign sa expenses review at hindi mo iyon ipinagkakatiwala sa iba maliban sa akin. What's the sudden change?"

He glared at Jane. Naitikom agad ni Jane ang bibig, nawala ang nagbabantang tawa.

Hindi ko alam kung bakit ako ipinatawag dito. Hindi ko pa natapos ang inutos kanina ni Sir sa pag-aayos ng mga tables sa hub. May iuutos ba siya o gusto lang niyang manood ako sa kanila?

"If I say stop, do it." he said in hard tone.

"Sorry, boss. Sige po." Kinagat ni Jane ang kanyang labi at bumaling sa akin. "Tara na, Sheen."

"She's staying."

Nagulat si Jane. Nanatiling seryoso ang mukha ko habang malamig ang titig sa akin ni Sir Rosbel. Kanina pa niya ako inuutusan. Kung masama ang araw niya, huwag siyang mang-hassle ng iba.

"Miss Villacana will do the receipt review. Leave it to her."

"What?" si Jane.

Nilampasan kami ni Sir Rosbel at iniwan sa opisina. Napasinghap sa gulat si Jane at awang ang bibig na napatulala sa pintuan. I sighed.

"What the hell is wrong with him?" Bumaling siya sa akin. "Bakit ikaw inutusan niya sa dapat na trabaho ko?"

Binalingan ko ang papers ng expenses sa hub. Trabaho nga ito ni Jane dahil siya ang manager. Hindi sa ayaw ko pero hindi tamang ipinagkakatiwala ito sa akin gayong bago pa lang ako.

"Akin na 'yan. Huwag mong pakinggan ang lalaking iyon." si Jane.

Kinuha niya ang papel sa akin at hinila ako papalabas ng opisina. Insaktong paglabas namin ay ang pagbusina ng sasakyan sa labas. She sighed and turned to me.

"Nandiyan na ang truck ng panel. Bumalik ka na sa mga tables. Ako na ang bahala rito."

Hindi pa man ako nakasagot ay lumabas na siya. Huminga ako nang malalim at bumalik na lang sa hall kung saan ko naiwan ang pag-aayos ng mga table. Nadatnan ko sina April, Artem at Jeemar doon na itinutulak ang mga upuan.

"Hi, Sheen! Good morning!"

"Good morning, Sheena. Nakita mo si Jane? Hindi pa niya kami sinabihan sa arrangement ng mga tables. Nasa kanya ang plano ng rearrangement." si Jeemar.

Lumapit ako sa kanila at itinulak ang table na nawala sa linya. Bumuntong-hininga ako.

"Nasa labas. Ako ang mag-aayos ng mga tables." sagot ko.

"Ha? Pero nasimulan na ni Jane 'to oh." si Artem.

"Ako ang nagsimula niyan."

"Bakit ikaw? Ikaw lang ba isa mag-aayos dito?"

"I ask her to do it." anang malamig na boses sa likod ko.

Sabay-sabay silang napalingon doon at natigilan. Lumipat ako sa kabilang banda at inihanay ang mga upuan doon, binalewala ang presensya ng aming boss.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon