Chapter 23No Problem
Nahihirapan akong matulog sa gabing iyon. Nakauwi naman agad ako nang makumbinsi ko na rin sina April na umalis. I'm still annoyed at Ark kaya hindi ko sinasagot ang mga texts o tawag niya sa mga sumunod na araw.
After that night, akala ko magkakaroon na rin ng oras para tumawag sa akin si Elvira. But days have passed and still, she didn't call me. Sa huli, ako na lang ang tumawag sa kanya.
"Hello?" she answered lazily.
"Elvira..."
"Sheen, bakit ka tumatawag?"
"Busy ka ba? Hindi ka na tumatawag sa akin."
"Sorry," she chuckled. "Nabusy ako lately. Ngayon lang medyo lumuwang."
Free pala niya ngayon, bakit hindi man lang siya tumawag? May dahilan ba ako para magtampo sa kanya?
"Ganoon ba?"
"Oh, I almost forgot! I'm gonma share something with you pala!"
Bahagya siyang tumili. Then, she giggled. I smiled.
She looks happy. I missed this.
"Don't laugh. Magkwento ka."
"Ito na!" aniya at saka humalakhak. "Sheen, I have an offer for a movie. Hindi nga lang ako ang leading lady but I am one of the cast! And guess kung sino ang makakasama ko?"
"Hmm... Sino?"
"Si Ark! He will be the leading man and I'm gonna see him more often!"
Ang akma kong paghiga ay hindi ko na naituloy. I feel bad that my smile suddenly faded.
"Hindi lang din 'yon! I was also surprise na kaming dalawa rin pala ang kinuha ng isang eye wear company para sa commercial. Magiging busy na naman ako! Bigla ko na ngang hindi naaasikaso ang upcoming exhibit ko."
She giggled again.
"Alam mo 'yon? Pakiramdam ko, gusto kong iwanan na lang ang pagpipinta at mag-artista na lang para may chance din akong makasama palagi si Ark sa mga offers! What do you think, Sheen?"
My lips parted. Did I heard it right? Iiwanan niya ang pagpipinta para mag-artista? Para makasama sa offers si Ark? Is she out of her mind?
"Alam kong kailangan ko ng acting workshop para ma-enhance ko ang pag-aarte pero willing naman akong itigil muna ang pagpipinta para roon. After all, I was inspired for pursuing art because of him. Excited akong gumising araw-araw para sa kanya."
"Elvira, what are you talking about?"
"Oh bakit? Iniisip ko pa lang naman. Hindi ko naman gagawin agad. That's why I'm asking permission from you."
"Bakit mo iiwanan ang pagpipinta? Ilan taon mong pinaghirapan 'yan tapos iiwanan mo lang?"
"Pinag-iisipan ko pa nga. Syempre, alam kong hindi ganoon kadali 'yon. Hindi rin madali sa aking iwanan ang pagpipinta, ano!"
Mas lalo na ako, Elvi. Hindi ko alam kung saan pa ako pupulutin kapag itinigil mo ang passion mo roon.
"I couldn't believe you can think of leaving painting after years of working hard for it."
"As I said, pinag-iisipan ko pa. Kung ayaw mo, madali naman akong kausap. I inform you about this now because I'm considering your thoughts."
Bumuntong-hininga ako. Ang rason niya para iwanan ang pagpipinta at maging ganap na artista ay para magkaroon siya ng maraming offers kasama si Ark. She has another idea of her career because of him. Hindi naman masama 'yon pero akala ko ba... we're doing this together? Na walang maiiwan sa amin?

BINABASA MO ANG
Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]
RomanceAlmost her entire life, Sheena Villacana was used of living independently along the darkest journey of her life. Nabuhay siyang punong-puno ng katanungan sa sarili't kapalaran, at kapag may naalalang parte ng madilim niyang nakaraan ay kaagad siyang...