Darkness 19

111 3 0
                                    


Chapter 19

I'm Risking

Sa susunod na linggo ay naging abala nga si Ark at hindi na kami nagkikita. I once visited Elvira's place and I didn't see him around. Hindi na ulit ako nakadalaw pagkatapos. But the urge of seeing him again is strong. I suddenly don't understand why I couldn't find my day now... without seeing him.

Pinilit ko ang sariling huwag isipin iyon. Hindi lang naging epektibo nang magtext siya isang gabi. Just his one text and my mind was messed up again.

Ark:
I'm so tired. Rehearsal's killing me.

Me:
Then rest. Give it to yourself.

Ark:
Fine. But I wanna see you right now.

Ngumuso ako at nagtagal ang titig sa phone. Parang bulkang sasabog bigla ang dibdib ko. Why is he like this? Are these his advances?

Me:
Focus on your work.

Ibinaba ko ang phone at sinubukang matulog. I snapped but after a while, I was watching my phone again. Nagreply siya at diretso akong napabangon sa kama.

Ark:
Damn, I really want to see you. Can we video call?

Kinagat ko ang labi ko. Huminga ako nang malalim at pinukpok ang nagwawala ko ng dibdib. Calm the fuck down, Sheena! It's just him!

Ark:
Just let me see you for a while, please.

I pouted. I suppressed my lips from forming a smile.

Me:
Matulog ka na. Inaantok na ako.

Ark:
We'll text each other tomorrow, then?

Bakit? Hindi ba nagpapahinga 'to?

Me:
Rest. At hindi ka ba busy?

Ark:
I'll find time. And I'm already resting while I'm texting you, Ma'am.

Hinayaan kong lumabas ang kanina ko pang sinusupil na ngiti sa labi. Ngumisi ako at sa huli'y pumayag sa gusto niya. I'm not into texting but the urge of communicating with him is making me crazy. Pakiramdam ko ay kahit hindi kami nagkikita, nagkakausap lang kami nang ganoon ay parang usual na ang araw ko.

"Saniel's birthday will be next week!" Jane exclaimed loudly.

Kakatapos lang ng morning tutorial namin at ngayo'y nag-aayos na kami para sa afternoon batch. Kaso ay mukhang ako lang yata ang nag-aayos dito. Basa ng basa kasi ng files and magazine 'tong si Jane.

"Oo nga 'no? Birthday na pala ni Saniel next week." sabat ni April.

"Nagbigay na ng invitations ang mga parents niya noong friday dito. We are all invited."

"Really? Hindi ko nakita! Oh my gosh!" si April.

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Natawa si Jeemar sa reaksyon ko.

"Hindi mo pa pala alam. Every birthday ni Saniel, invited kaming lahat dito. And since you are part of the hub's family, invited ka na rin. Sama ka, ah?"

Hindi ako sumagot. Grand ba 'yon? Ayaw kong pumunta kapag masyadong maraming tao.

"Sinong artista na naman kaya ang iimbitahan ni Madame? Naalala niyo kung sino ang iniidolo ngayon ni Saniel? I'm sure iyon ang iimbitahan ng parents niya." si Artem.

"Nako, napakacute na bata naman kasi 'yon at papalit-palit lang ng idol. Noong nakaraang birthday niya, si Jebriel Murillon ang naimbitahan dahil iyon ang request. Sinokaya ngayon? Nakakaexcite naman!"

"Yaman talaga ng parents ni Saniel!" si Jeemar.

"Correct! Kaya nga gustong-gusto ko kapag birthday ni Saniel. Nakakakita ako ng artista personally!" hiyaw ni April.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon