Darkness 14

133 3 0
                                    


Chapter 14

Hindi Sigurado

"Really?! May ilalabas ulit si Elvira na painting this month?"

Nag-aayos ako ng mga materials nang isigaw iyon ni April. Nasa harapan ko si Artem na kinakalikot ang tenga, naiingayan sa babae.

"Damn, April. Lower down your voice." he said.

"Edi huwag kang makinig! Tanggalin mo tenga mo!" sigaw ni April sa kanya bago bumaling kay Jane. "Pero totoo nga?! Magpapalabas siya, Jane? Ilan daw ba?"

Napalatak si Artem sa inis pero hindi na rin nagsalita. Dinala lang ang mga paints saka umalis. Napailing ako at nakinig ulit sa dalawang maingay na nag-uusap.

"I'm not sure. Nakita ko lang ang statement niya sa balita. Ang sure ay may ipapalabas siyang painting this month." si Jane.

"Hindi sinabi kung kailan?"

"Hindi. Ang sinabi ay surprise."

"Saang balita ba 'yan? Ba't hindi ko nabasa?"

"Nauuna kasi ang bunganga mo kaysa sa mata." asar ni Jane.

Jeemar both hushed them. Nag-iingay na ang mga bata nang makita ang inihanda naming mga materials tapos dumagdag pa ang ingay nilang dalawa.

"Nagkakaroon ba ulit ng exhibit?" muling bunganga ni April.

"Hindi rin ako sure pero kung magkakaroon man, siguro ay sa studio na lang ng art gallery. Doon nakadisplay ang mga paintings niya."

I sighed. Hindi ako nakakasabay sa kanila kahit gusto ko. I don't want them to know my relationship with Elvira. That will be the last thing.

"Pero si Ark! May bagong action movie siyang upcoming, diba? Gagi, may aabangan ulit tayo!" ani April.

Itinuon ko ang atensyon sa mga bata pero ang tenga ko ay nasa kanila.

"Yes. Confirmed by interview. Mas naging active siya ngayon sa MMA niya because that action movie."

Nagtagal ang titig ko sa mga dalang paint brushes. Halos mag-isang linggo na rin noong huli kong dalaw sa unit ni Elvira. In those days, some really went unexpected. Ilang beses ang naging pagkikita namin ni Ark.

Elvira asked me to drop a visit even if she's not in her unit. Pumayag ako. Hindi ko inaraw-araw ang pagbisita roon pero walang pagkakataong hindi ko nakikita si Ark sa araw ng pagbisita ko. I'm trying hard to really avoid him pero sinasadya yata talaga ng pagkakataong pagtagpuin kami.

I remembered it was one morning when I went out early for a jogging. I was wearing a blue pajama pants and a sando with my hair styled in a neat ponytail. Nakikinig ako sa paborito kong kanta nang biglang may tumatakbo rin sa tabi ko.

Babalewalain ko na sana kaso inunahan ako nito sa pagtakbo, pumunta sa harap ko at patalikod na nagjog.

My eyes widened when I saw it was him. He's wearing a sports shoes, shorts and jersey shirt. Kagaya ng nakita ko noong nakaraan, nakasuot siya ng headband. He was looking at me with no reaction, not cold nor serious. Blanko lang.

Bumagal ang takbo ko sa gulat. Bumagal din siya. Nanatili siyang nakaharap sa akin at naglalakad ng nakatalikod.

"I rarely see you here. Ngayon ka lang nagjogging?" he asked.

I felt a shiver down my spine. Pinagpapawisan ako pero pakiramdam ko ay malamig ang lahat sa akin. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin ang walang kakurap-kurap na panititig niya. I jogged fastly and ran passed him.

Nahabol niya agad ako nang walang kahirap-hirap. Bumudol ang kaba sa dibdib ko.

"Hey," he approached gently.

Rains of Darkness (Celebrity Series #2) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon