PROLOGUE

22.8K 391 6
                                    


PROLOGUE

“FOUR YEARS  from now, I’m gonna retire, son. Whether you like it or not, ililipat ko sa’yo ang kompanya. Ikaw nag- iisang tagapag- mana namin. You have no other choice.”

Paulit- ulit sa isip ni Jared ang sinabing iyon ng mommy niya habang umiinom ng rum sa HD Bar. Ayaw niyang maging CEO! COO siya ngayon. His dad retired already. And his mom is retiring soon.

Alam niyang pagod na ang mga magulang niya sa pagpapatakbo ng kompanya pero wala talaga siyang hilig sa business. Ang hilig niya, mag- drawing, painting, and something of that sort. But never business. Never.

“Bitiwan mo nga ako!” Anang boses ng babae di kalayuan kaya natigil ang iniisip niya. “Hindi kita kilala!”

The woman was beautiful, alright.

Hinihila ito ng isang lalaki patungo sa second floor kung nasaan ang VIP rooms.

Fvck!

Dali- dali siyang tumayo at hinawakan sa pulsuhan ang lalaki. “Hindi ka raw niya kilala kaya bitawan mo siya.” Kalmadong aniya.

Tumawa lang ang lalaki na halatang lasing na lasing. “Wala ka ng pakialam d’on, bata. Mind your own business.”

Nagtagis ang bagang niya. “I hate business, bastard!” Umigkas ang kamao niya at tumama iyon sa mukha ng lalaki.

At dahil lasing ito, natumba ito sa paanan ng hagdan. Agad niyang binalingan ang babae.

“You okay, missy?”

Tumango ito na halatang takot. “Thank you.” Mabilis itong humakbang palayo sa lalaking nakahandusay sa sahig at lumapit sa kanya. “Ahm- I’ll buy you a drink. For saving me. Okay lang ba?”

Napangiti siya. “Sure.” Nabaling ang paningin niya sa cellphone na nasa sahig kaya pinulot niya iyon. “Sa’yo ba ‘to?”

Mabilis itong tumango. Iniabot niya dito ang cellphone nang biglang naging active ang screen nito dahil nahawakan niya iyon.

His eyes were immediately glued on the wallpaper. It was a group picture of the woman that he saved and her friends, he assumed.

Pero wala sa babaeng isinalba niya ang paningin kundi sa katabi nito. There’s something in her eyes that mesmerized him and he can't look away.

Napakurap- kurap siya nang kunin ng dalaga ang  cellphone. “Tara. D’on tayo.” Anito at itinuro ang bar counter.

Sabay silang nagtungo sa counter at naupo sa mga stool na naroon.

“I’m Jared, by the way.” Pagpapakilala niya sa babae at inilahad ang kamay. “And you are?”

Inilapag nito ang cellphone sa counter at tinanggap ang pakikipag- kamay niya. “Jarine. Nice to meet you.” Ngumiti ito kaya napangiti rin siya.

“What are you doing here in this bar alone, anyway?”

Nag- iwas ito ng tingin. “Just.. wanna forget something. And I’m new here in Manila so I have no one to accompany me.” Tinawag nito ang atensyon ng bar tender. “One mojito please and,” Bumaling ito sa kanya. “What’s your drink?”

“Make it two mojitos.” Aniya sa bar tender at ibinalik sa dalagang nagngangalang Jarine ang atensyon niya. “Where’s your friends?” That friend with alluring eyes to be exact.

“Nasa Iloilo. Taga- Iloilo talaga ako eh. Pero dito ako nagta- trabaho.

Napatango- tango siya. But deep inside, he’s quite disappointed. Akala pa naman niya ay makikilala niya ang babaeng ‘yon na nasa picture.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon