CHAPTER 1

16K 407 35
                                    


CHAPTER 1

KINAKABAHAN NA hinihintay ni Analyn ang mga bagahe niya sa conveyor. Kadarating lang niya ng Manila.

Kinuha muna niya ang cellphone at tinext ang boyfriend niya na nasa Manila na siya at ibinalik ulit sa bag ang cellphone dahil nakita na niya ang mga bagahe niya.

Inilagay niya ang mga iyon sa cart at naglakad na palabas ng airport. Susunduin daw siya ng nanay niya kaya agad niya itong hinanap.

Nakita naman agad niya ito at mahigpit siyang yumakap sa nanay niya. Ilang beses lang itong umuuwi sa Iloilo kaya madalas, sa cellphone lang sila nag- uusap.

Iginiya siya nito patungo sa isang kotse.

Napakurap- kurap na lang siya nang makita ang gagamitin nilang sasakyan, at may driver pa! Cadillac lang naman kotse.

Ang sosyal ko namang sekretarya.

“Nay.” Aniya sa nanay niya nang makarating sila sa tapat ng Cadillac. “Masyado naman po yatang sosyal ang sasakyan?”

Mahina itong natawa at kinuha ng driver ang mga bagahe niya.

“Ito pala si Berto. Driver siya ng pamilya Egorov.” Binalingan nito si Mang Berto. “Berto, ito pala ang anak kong papalit sa’kin, si Analyn.”

“Hello po, Mang Berto.” Magiliw na bati niya dito.

“Nice to meet you, ma’am.” Nakipagkamay ito saka inilagay na sa compartment ang mga bagahe niya.

“Ayaw ko nga sanang pumayag na gamitin itong kotse ni Madam eh. Magta- taxi lang sana ako.” Paliwanag ng nanay niya. “Pero pinilit talaga niyang gamitin itong kotse para sunduin ka.”

Alam niyang mabait si Madam Lucia pero hindi niya alam na ganitong level.

Binuksan ng nanay niya ang back seat at pumasok na silang dalawa sa kotse. Agad ding sumakay sa driver’s seat si Mang Berto at pinausad na ang kotse.

“Nga pala, close pala si Jarine at ang nag- iisang anak ni Madam?”

Nagkibit- balikat siya. “Ewan ko po. Hindi nakwento ng baliw na ‘yon ang tungkol d’on.”

Tumango- tango ang nanay niya. “Honeybabe ang tawag sa kanya ni Sir, eh.”

“Sir? Close si Jarine sa lalaki?”

Ang nanay naman niya ang nagkibit- balikat.

Kung honeybabe ang tawag nito sa kaibigan niya, ibig sabihin sobrang close ng dalawa. Eh ayaw ng babaeng ‘yon sa male species? Saka sobrang sweet naman yata kung honeybabe ang tawag ng lalaking ‘yon sa kaibigan niya.

Hindi maganda ‘to. Kakaliskisan ko ang lalaking ‘yon sa pagiging close niya sa sweet pea ko.

Tahimik na sila ng nanay niya hanggang sa huminto ang kotse sa harap ng isang apartment.

“Si Madam ang kumuha nito para sa’yo.” Pagpapaliwanag ulit ng nanay niya nang bumaba sila ng kotse.

Wow. Gan’on siya ka- welcome kay Madam at napaka- special yata ng trato sa kanya. Nakakahiya pala talaga kapag hindi siya pumayag.

Pagpasok sa apartment, kompleto na lahat ng gamit. Pati ang nanay niya, napatanga na lang din tulad niya.

“Ito talagang si Madam. Wagas naman mag- welcome.” Komento nito. “Mamaya ka na magligpit. Deretso muna tayo sa kompanya at hinihintay ka na ni Madam.”

Iniwan lang nila doon ang mga bagahe niya at nagtungo agad sa kompanya.

Bigla ulit siyang kinabahan nang makapasok sa building. Napakagara. Sa bagay, construction company ito. Dapat makita mismo iyon sa building pa lang ng kompanya.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon