CHAPTER 19

14K 381 24
                                    

CHAPTER 19

INAAYOS NI Jared ang suot niyang polo, naghahanda siya sa kasal ni Keith at ni Mary Grace. At isa siya sa mga groom's men. Nasa hotel sila ngayon na pag-aari ni Keifer.

Tama namang naibutones na niya ang polo nang may kumatok sa pinto.

"Bukas 'yan." Malakas ang boses na aniya.

"Good morning, sir." Pumasok doon ang isang babae na staff ng designer na si Ms. Gwyn. Bitbit nito ang royal blue niyang Americana at silver na neck tie.

"Good morning." Balik-bati niya. "Anyway, tapos na bang magbihis ang mga Bride's Maid?" Tanong niya dito, isa kasi d'on si Annie.

"Opo, sir. Doon po ako galing bago ako pumasok dito."

One week na silang hindi nagkikita dahil naging busy ito pagkatapos nang gabing iyon sa apartment. At siya naman na kunyari ay nagtatampo, sobrang pigil din na huwag itong kausapin. Panay ang text at tawag nito pero 'OK' lang lagi ang sagot niya.

Ako naman ang magpapa-hard-to-get.

"Assist ko na po kayo." Anang staff sabay sabit ng neck tie niya.

Masyado itong malapit kaya pagsasabihan sana niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Annie kaya hinayaan niya ang staff na lagyan siya ng neck tie.

"Ako na, miss." Alok ni Annie na mukhang hindi natutuwa.

"Trabaho ko po ito, maam." Sagot ng babae at mas lalo pang lumapit sa kanya.

Halatang nagtitimpi si Annie na lihim niyang ikinangiti.

"Trabaho mo lang 'yan, fiancé ako." Tumabi ito ng tayo sa kanya at taas-noong tiningnan ang staff kahit mas matangkad talaga ang staff. "At masyado kang malapit. Hindi ako natutuwa. Kaya please, lumabas ka na?"

Tipid lang na ngumiti ang staff at tumingin sa kanya. Siya naman ay tumango, senyales na sundin nito ang sinabi ni Annie.

Nang makalabas ang staff, agad na inayos ni Annie ang neck tie niya.

She looks pissed. Tahimik lang ito at maingat ang bawat galaw.

"Galit ka pa rin ba? One week mo na akong hindi kinakausap." Kapagkuwan ay basag nito sa katahimikan.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Hindi ako galit."

"Nagtatampo?"

"Nope."

Tinapos nito ang pagbuhol ng neck tie niya. "Eh bakit hindi mo ako kinakausap? Laging 'OK' o di kaya 'K' lang ang sagot mo." Bakas sa boses  nito ang lungkot. "Tapos nagpapalandi ka pa sa ibang babae. Ganyan ka bang magtampo? Okay lang na landiin ng iba?"

Pigil niya ang ngiti sa mga sinasabi nito. He can feel butterflies in his stomach.

Ganito pala ang pakiramdam pag nagsi-selos ang nunong 'to.

"Di ba ayaw mo naman sa'kin? I've decided na hindi na kita pipilitin. Kung ayaw mo sa'kin, okay lang, tanggap ko na." Pag-iinarte niya.

Humaba ang nguso nito sa sinabi niya. "Hindi ko sinabing ayaw ko sa'yo."

"But you denied me in front of our parents kahit kinapalan ko na ang mukha ko para aminin na mahal kita."

Nagbaba ito ng tingin. "Sorry..Sorry na.. Nagpa-panic lang ako n'on. Binawi ko naman nung paalis na sina nanay eh. Sinabi ko sa kanyang boyfriend kita."

His breathing hitched. Bakit gan'on? But he wanted to tease her more.

"I'm still hurt."

Bumuntong-hininga ito. "Sorry na, boss."

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon