CHAPTER 17NAUDLOT ANG planong pamamanhikan ni Jared dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Nang makalabas siya sa ospital, isinugod naman sa ospital si Honeybabe niya kaya lagi silang naroon ni Annie.
Doon din niya nakita kung gaano ka lalim ang pagkakaibigan ng mga ito. Kompleto lagi ang barkada nito sa ospital, kahit si Mary Grace na buntis na ng ilang buwan, walang palya sa pagbisita. Mas inuuna pa nga nito si Honeybabe kesa sa nalalapit nitong kasal at ng kaibigan niyang si Keith.
Nasa HD Bar sila ngayon ng mga kaibigan niya. Si Annie naman, sinamahan si Mary Grace sa pag-final check ng mga kailangan sa nalalapit nitong kasal.
"So, ano na ang plano sa pamamanhikan?" Basag ni Heineken sa katahimikan habang nagmi-mix ng inumin sa likod ng counter kung saan sila nakaupo.
"Saka na lang." Walang buhay na sagot niya. "Nahihiya akong humingi ng pabor kay Xandro. Problemado din ang isang 'yon ngayon." Uminom siya ng scotch na nasa baso niya. "After na lang ng kasal ni Keith."
"Alam na ba ni Analyn ang plano mong mamanhikan?" Tanong naman ni Christian na umiinom ng brandy.
"Siyempre hindi pa. Surprise 'yon."
Mahinang natawa si Paul. "Gago. Hindi dapat ginagawang surprise ang ganyang bagay. Maliwanag na ba sa kanya ang status niyo?" Napabaling ito sa kanya habang umiinom ng vodka. "Teka nga, official na bang mag-syota kayo, ha?"
"Hindi namin napag-usapan." Napabuntong-hininga siya." Masyado kaming naging busy nang makalabas ako sa ospital eh."
"May pa-check the label ka pang sinasabi sa'kin, isa ka din palang kailangan i-check ang label." Ingos ni Andre.
Tiningnan lang niya ito ng masama at nagpatuloy lang sa pag-inom. Biglang tumunog ang cellphone niya at mabilis niyang sinagot iyon nang makitang si Annie ang tumatawag.
piNUNO calling...
"Honey, nasaan ka?" Agad niyang tanong.
Mahina itong natawa. "Pauwi na. Ikaw nasaan ka?"
"Ahm- nasa bar ni Donovan."
"Punta ka sa apartment. Magluluto ako."
That made him smile. "Sure." Walang pag-aalinlangang sagot niya.
"See you, boss. Bye." Anito at tinapos na ang tawag.
Siya naman ay madaling inubos ang scotch saka tumayo na. "Alis na ko." Pagpapaalam niya sa mga kaibigan at napailing lang ang mga ito.
Actually, dalawang araw nang on-leave si Annie dahil nga abala ito. He missed her already.
Ako kaya na-miss din niya?
Nakangiti siya habang nagmamaneho papunta sa apartment nito.
Pagdating niya doon, naka-park na ang Mini Cooper nito sa garahe ng apartment. At dahil medyo malawak naman ang garahe, doon na rin siya nag-park sa tabi ng kotse nito.
Nakabukas ang pinto ng apartment kaya deretso na siyang pumasok.
He immediately smiled when he saw her at the kitchen. Hindi yata nito napansin ang pagdating niya dahil nagpapa-music din ito habang abala sa lababo, at nakatalikod ito sa kanya.
He tiptoed towards the island counter and sat there silently. Nangalumbaba siya habang nakangisi at pinagmamasdan ang dalaga.
Unconsciously, he raked an appreciative stare at the woman in front of him.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)
Genel KurguSPG WARNING/R-18 She fell in love with the wrong man. Then the right man came to save her. Will she let him? Or will she stay on that shítty relationship that she's in just because she invested all her emotions on the wrong man?