SPG WARNING: R-18 | MATURED CONTENT
p.s. hirap akong isulat ito kaya sorry na kng hindi maganda..hahahahaha!
CHAPTER 16
HINDI NA napigilan pa ni Analyn ang sarili na huwag bumigay sa mga halik at haplos ni Jared. Kahit ano'ng pagtitimpi at pagpipigil talaga ang gawin niya, hindi niya kaya kapag ang binata na ang gumagawa ng paraan para maging malapit sila.
Alam niyang nahuhulog na rin siya pero ayaw sana niya iyong bigyan ng pansin sa ngayon. Pero makakawala pa ba siya? Makakaiwas pa ba siya, kung gusto din naman niya ang pakiramdam kapag kasama niya ang binata? At nararamdaman niyang espesyal siya dito, bagay na hindi niya naramdaman noon.
Bahala na! Pero jusko nasa ospital kami!
Napayakap siya sa leeg ng binata nang unti-unti siya nitong inihiga sa hospital bed habang patuloy ito sa pag-angkin sa mga labi niya at sa paghaplos ng katawan niya.
"Jared.." Kumawala siya sa halik nito at matiim itong tinitigan."Hindi ka pa magaling. At nasa ospital tayo." Nag-aalala siya sa lagay nito ngayon.
"O, tapos?" Walang pakialam na sagot nito habang hinahalik-halikan ang mga labi niya.
"Edi ano..Ahm...ano..." She can't make a proper explanation. Bigla yata siyang na-bobo dahil sa epekto ng ginagawa nito sa katawan niya.
My God ang lala ko na!
"Mamamaga lalo ang kamay mo." Sa wakas ay may naisip siyang sabihin.
Mahinang natawa ang binata saka hinawi ang buhok niyang nakatabing sa mukha niya.
"Honey, wala akong pakialam sa kamay ko kung mamaga man 'yan. Mas namamaga ang kaibigan ko sa baba kakapigil na huwag kang angkinin. At kapag pinigilan ko pa 'to, baka mabaliw na ko." Titig na titig ito sa kanya. "I like you, Honey. Matagal na."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.
"Pano'ng matagal eh bago lang ako sa kompanya niyo? Hindi matagal ang ilang linggo o buwan pa lang." Hindi makapaniwalang tugon niya.
Natatawang hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. "You have no idea." Hinalikan ulit nito ang labi niya. "Pero pwede bang mamaya na tayo mag-usap? Sobrang sakit na ng puson ko, Honey. Maawa ka naman sa'kin."
Napalunok na lang siya dahil sa titig nito sa kanya.
Bakit parang ang weird ng feeling niya? Hindi niya alam kung naiinitan siya o nilalamig.
Umayos ito sa pagkubabaw sa kanya. Kinakabahan siya pero hindi niya gustong pigilan ang binata.
Masuyo nitong hinalikan ang noo niya, pababa sa ilong niya, sa pisngi, at mga labi niya. Napapikit na lang siya at tinugon ang mga halik nito.
Why does it feel so good? Gan'on ba siya kasabik sa pakiramdam na iniingatan siya at parang importante siya?
"Honey.." Bulong nito nang pakawalan ang mga labi niya.
"Hmm?" Nakapikit pa rin na sagot niya dahil nararamdaman na niya ang kamay nitong itinataas ang pencil skirt na suot niya.
"Nagawa mo na ba 'to dati?"
Nagsalubong ang kilay niya at iminulat ang mga mata. "Ang alin?"
Itanaas nito ang kamay patungo sa hita niya. Pakiramdam niya, napapaso ang balat niya sa bawat haplos nito.
"This? May experience ka na ba dito?" Halatang may pag-aalinlangan sa boses nito.
She knew what he wanted to ask, but she knew he's too shy to ask her directly.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)
General FictionSPG WARNING/R-18 She fell in love with the wrong man. Then the right man came to save her. Will she let him? Or will she stay on that shítty relationship that she's in just because she invested all her emotions on the wrong man?
