CHAPTER 5

12.6K 351 19
                                    


CHAPTER 5

“MOM, HATID ko lang si Annie.” Paalam ni Jared sa mommy niya.

Bukas na kasi ang seminar nito at doon daw ito ngayon dideretso sa bahay ng kaibigan nito.

Paano niya alam? Siyempre hindi na naman niya ito tinantanan kanina.

“Okay. Mag- iingat ka sa pagmamaneho. Ingatan mo si Analyn.” Bilin nito na sobrang lapad ang ngiti.

Lumabas siya ng opisina at tama namang papasok sana si Annie sa opisina kaya nagkabunggo silang dalawa.

“Sorry.” Sabay nilang sambit.

Agad na nag-marathon ang puso niya kahit sandali lang namang nagkadikit ang katawan nila. “Ang liit mo kasi, di kita nakita.” Patay- maling aniya para hindi nito mahalata na apektado siya.

Inirapan lang siya  nito at nilampasan. Nagpaalam lang naman ito sa mommy niya at lumabas din naman agad.

Sinabayan niya ito sa elevator.

“May lakad ka?” Tanong nito.

Nakapamulsang sumandal siya sa dingding ng elevator. “Hahatid kita.”

Napapantastikuhang napatitig ito sa kanya. “Bakit?”

“Kasi gusto ko. Saka di ba sabi mo magkikita kayo d’on ni Honeybabe? Matagal ko na ring hindi nakikita ang babaeng ‘yon kaya hahatid na kita.” Palusot niya.

“Kaya ko naman.”

“Hahatid kita.”

Napabuntong- hininga ito. “Bakit mo ba talaga ginagawa ‘to?”

Nagkibit- balikat siya. “Hindi naman ginagawa ng boyfriend mo ‘to eh. He should be doing this pero nasaan siya? Nasa ibang babae. Kaya ako na lang ang gagawa.”

Nagbaba ito ng tingin dahil sa sinabi niya. Alam niyang masyadong personal na ‘yon pero kailangan nitong ma- realize na hindi karapat- dapat ang lalaking ‘yon sa pagmamahal nito.

“Wala ka na d’on.” Mahinang sagot nito.

“Alam ko. Pero ayokong nakakakita ng babaeng nasasaktan.”

Siya ang nasasaktan para sa dalaga. She doesn’t deserve this kind of relationship. She’s a good woman.

“Huwag mo akong sisihin kapag nag- away kayo ng girlfriend mo dahil sa sobrang bait mo sa’kin ha.” Basag nito sa katahimikan.

Nalukot ang mukha niya sa narinig. “Girlfriend? Wala ako n’on. Sino naman ang nagsabi sa’yong may girlfriend ako?”

Nag- iwas ito ng tingin. “W-wala. Hula ko lang. Kasi guwapo ka naman kaya imposibleng wala kang girlfriend.” Iniikot nito ang paningin sa buong elevator pero hindi ito tumitingin sa kanya.

He grinned. Gusto ba nitong malaman kung may girlfriend siya? Para-paraan din pala itong si Annie.

Tama namang bumukas na ang elevator kaya naglakad sila palabas.

“Akin na ang susi ng kotse mo.” Aniya dito.

“Ako na lang. Baka magalit ang girlfriend mo.” Pagmamatigas nito.

“Ako na nga. Give me your keys.” Pamimilit niya na may sinusupil na ngiti. “Walang girlfriend na magagalit. Boyfriend mo lang ang magagalit. Saka hindi ka pa pwedeng mag- drive na walang kasamang professional driver na tulad ko na sobrang guwapo.”

Inirapan siya nito pero ibinigay din naman nito ang susi.

Sabay silang pumasok sa kotse.

“Bagay talaga sa’yo ‘tong kotse. Pang- size mo lang.” Aniya para hindi siya masyadong mag-palpitate.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon