CHAPTER 4

12.4K 328 34
                                    


CHAPTER 4

MUGTO ANG mga matang pumasok si Analyn sa trabaho. Maaga siyang pumasok para hindi na makita ng ibang empleyado ang mukha niya.

Hindi siya pwedeng magkamali, si Jeffrey ang nakita niya. At may kasama itong babae. Nang makita niya ito kagabi, tinawagan niya ito at tinanong kung nasaan. Nasa boarding house na daw. Pero hindi ito nagsabing nasa Manila ito.

Umiyak na lang siya at hindi na nakababa sa kotse. Si Sir Jared na ang bumaba para bigyan siya ng privacy at ito na ang bumili ng pagkain sa loob ng restaurant. At inihatid pa talaga siya nito pauwi.

Iba din talaga itong boss niya.

Kahit maaga pa, inabala niya ang sarili hanggang sa makarating si Sir Jared.

“Wala si Mommy.” Bungad nito at natigilan nang makita ang mukha niya. Tumikhim ito. “Nagpunta sila ni Daddy sa Russia para i- oversee ang operation ng kompanya doon.” Deretso itong pumasok sa opisina pagkatapos niyang tumango.

Nahihiya siya sa boss niya. Bakit kasi sa tuwing nagkaka- problema siya kay Jeffrey ito ang kasama niya. Nakikita tuloy nito ang lahat ng nangyayari sa kanyang kamalasan. At mas nakakahiya dahil ito pa ang taga- comfort niya, boss lang naman niya ito sa trabaho. God! Nakakahiya!

Ayaw man niyang aminin, nagpapasalamat siya at mabait ito sa kanya. Kahit papano, nararamdaman niyang mayroong nag- aalala sa kanya.

Nag- angat siya ng tingin nang lumabas ito sa opisina at tumigil sa harap ng mesa niya.

“Lalabas muna ako sandali. Kapag may naghanap, sabihin mong may inasikaso akong importante.” Seryosong anito.

Tumango siya. “Yes, sir.”

May inilapag ito sa mesa. “And apply this gel. That’s to get rid of the swollen part around your eyes. Water- based ‘yan, and safe.”

Kinuha niya ang box. “Thank you, Sir.”

Tumango lang ito at naglakad na palabas ng opisina.

Napatingin siya sa ibinigay nito. Mabuti pa ang boss niya, may pakialam sa kanya. Eh ang boyfriend niya, wala. Well, actually, hindi na talaga siya umasa nang makita niya ito kagabi kasama ang isang babae.

Naramdaman na naman niya na parang pinipiga ang puso niya. Tumakbo siya patungong pantry at agad na pumasok sa restroom para umiyak.

Nasapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. She can feel her heart being ripped. Bakit ba nararanasan niya ang ganito? Nagmamahal lang naman siya. And worst, hindi niya kayang bitawan si Jeffrey. Masyado na niya itong mahal para bitawan ito ng gan’on lang. And she hate herself for that.

Pilit niyang hinamig ang sarili at ini- apply ang bigay ni Sir Jared.

Malamig iyon sa balat kaya kahit papano, parang naibsan ang nararamdaman niyang sakit sa puso niya dahil parang nabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa namamaga niyang mga mata.

Bumalik siya sa mesa niya at pinagpatuloy ang trabaho. She received a lot of calls, appointments, papers to be signed by the CEO, and other stuff. Hindi niya napansin ang oras. Napatingin lang siya sa orasan nang makatanggap ng text mula kay Jeffrey.

He’s being sweet today. Pero hindi niya magawang sumaya dahil sa nakita niya kagabi. Gusto niyang magalit pero hindi naman niya magawa. Kaya nga siguro sweet ito sa kanya ngayon dahil nagsisinungaling ito sa kanya. Nag- reply lang siya sa text nito kahit napililitan siya. Baka mag- away na naman sila.

Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto.

“Lunch time!” Masiglang bungad ni Sir Jared at may dala itong paper bag.
Kanina lang seryoso ito, ngayon iba na naman ang mood.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon