CHAPTER 22
PADABOG NA bumalik sa kwarto si Jared nang hindi niya maabutan si Annie.
He's naked for goodness sake! Tanging kumot lang ang takip niya sa katawan. At bakit nasa kwarto niya si Trish!?
As far as he can remember, sinundo siya ni Xandro. Kasi ito ang tinawagan niya na susundo sa kanya.
Hinanap niya ang cellphone at isinaksak iyon para i-charge.
He was welcomed by Xandro's text messages.
'Pinagtitripan mo ba akong tangna ka!? Nasaan ka!? Wala ka naman dito!?'
'Bubugbugin talaga kita Egorov pag nakita kita!'
Marami pa itong mga mensahe at galit na galit ito dahil lumabas pang parang pinagtripan niya ito.
"Umalis na ang sekretarya mo?" Bungad sa kanya ni Trish na nakatapi pa rin ng tuwalya.
Mabilis niyang pinulot ang mga damit nito sa sahig saka itinapon sa labas ng kwarto niya. "May bakanteng kwarto sa kabila, doon ka magbihis. Get out of my room now."
"Gan'on lang 'yon? Pagkatapos ng nangyari kagabi?"
"Walang nangyari satin kagabi." Mabilis na aniya.
Tumaas ang isang kilay nito. "How can you be sure? Eh lasing ka."
"I know my body more than anyone so I would know if I did it with you or not." Tiningnan niya ito ng masama. "And you're not Annie, for sure my friend down here won't feel your presence." Binuksan niya ang pinto. "Now, get out. Ayaw kitang kaladkarin kaya magkusa ka ng lumabas."
Nagtagis ang bagang nito at pinulot ang mga damit na itinapon niya sa labas. Malakas niyang isinara ang pinto at dali-daling naligo at nagbihis.
"Manang, palayasin mo agad si Trish pagkatapos niyang magbihis." Bilin niya sa katulong at agad siyang lumabas ng bahay. Sumakay siya sa kotse niya saka pinaharurot iyon patungo sa apartment ni Annie.
Habang nasa daan, tinawagan niya si Jiro.
"Yes, Jared baby?" Bungad nito na parang walang lakas.
Anyare dito?
"I need your help." Deretsahang aniya.
"And that is?"
"I need the CCTV footage outside this certain bar and the footage outside our house. Pag-aari ng subdivision 'yon eh. And I need it as soon as possible."
"On it." Sagot ni Jiro at natahimik ito. Tanging pagtipa lang nito ng keyboard ang naririnig niya. "Check your e-mail."
"Thanks bud." He felt relieved.
"Yeah, yeah." Wala pa ring buhay na sagot nito at tinapos ang tawag.
Nang malapit na siya sa apartment, itinabi muna niya ang kotse para i-check ang e-mail niya.
He looked at his phone intently.
It was the footage outside the bar.
And the car...hindi iyon kotse ni Xandro!
He checked the other video outside their house.
Bumaba siya sa kotse na sumusuray at bumaba din ang driver para alalayan siya.
Kumuyom ang kamao niya nang makilala kung sino iyon.
Jeffrey you son of a b*tch!
Sunod na bumaba si Trish.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)
Genel KurguSPG WARNING/R-18 She fell in love with the wrong man. Then the right man came to save her. Will she let him? Or will she stay on that shítty relationship that she's in just because she invested all her emotions on the wrong man?
