CHAPTER 20

14.2K 349 21
                                    


CHAPTER 20

SOBRANG INIT at tirik na tirik ang araw, pero nasa gitna ng palayan si Jared. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakayuko at nagtatanim. Sa tuwing tutuwid kasi siya ng tayo, nakikita niya ang tatay ni Annie na nakatingin kaya babalik na naman siya sa pagtatanim.

Kaninang madaling araw lang siya dumating sa Iloilo kasama si Annie. Nakilala na niya sa wakas ang mga kapatid nito at pamangkin. At pagkatapos ng sobrang agang agahan, isinabak na siya ng tatay nito sa pagtatanim ng palay. Tinuruan lang siya nito saglit pagkatapos ay iniwan na siya sa gitna ng palayan.

Unti-unti na ring dumadami ang mga tao sa bahay nila Annie at nagtutulong-tulong na magluto.

Fiesta ba ngayon dito?

"Jared!" Narinig niyang sigaw ni Annie mula sa labas ng bahay nito. "Tama na 'yan mainit na!" May tuwalya ito sa balikat at may sarong sa ulo para proteksyon sa init.

"Ayos lang ako, Honey." Sagot niya sa dalaga.

"Hayaan mo siya." Sagot naman ng tatay nito na nakaupo sa ilalim ng malaking puno di kalayuan.

Nilingon ito ni Annie. "Tay, sobrang init na o. Maawa ka naman kay Jared."

Umismid lang ang tatay nito.

Was that a 'yes'?

Bumaling ulit sa kanya ang dalaga at tinawag siya.

Hindi pa sana siya aalis pero pilit na siyang tinatawag ni Annie.

"Halika na! Pahinga ka na!" Tawag ulit nito kaya umalis na siya sa palayan.

Sinalubong naman siya ni Annie at hinila patungo sa likod ng bahay kung nasaan ang poso.

"Maghugas ka na, maputik ang paa at kamay mo."

Sunudsunuran lang siya sa utos nito. Mabilis siyang naghugas ng mga papa at kamay niya. Naghimalos na din siya dahil pawis na pawis na siya.

Pagkatapos niyang maghilamos, lumapit sa kanya ang dalaga at pinunasan ng tuwalya ang mukha niya at dibdib.

"Pasensiya ka na kay tatay ha? Pinagtanim ka kaagad pagdating mo dito."

He smiled. "Ayos lang nga, Annie. May kasalanan din naman ako sa mga magulang mo eh."

Tumigil ito sa ginagawa at magkasalubong ang kilay na tiningnan siya. "Ano naman?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Kasi may nangyari na satin?"

Napakurap-kurap ito. "Oh."

He chuckled when Annie blushed.

Pretty.

"Tara na sa loob. Pahinga ka saglit saka ka maligo. Okay?" Hinila na nito ang kamay niya pero hindi siya gumalaw.

Nilingon siya nito. "What?"

Ininguso niya ang bibig. "Pa-kiss."

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Abnormal ka ba? Nasa labas tayo." Pabulong na anito habang palinga-linga.

"Just a quick kiss. Please?" Ungot niya at iniyakap ang mga braso sa baywang ng dalaga.

"Baka may makakita sa'tin dito lagot na naman tayo."

Hindi niya ito sinagot, hindi lang niya ito binitawan habang nakanguso pa rin ang bibig niya.

"Just one kiss." Anito.

Mabilis siyang tumango.

Nagpalinga-linga ulit ito saka bumuntong-hininga. Tumingkayad ito para halikan siya pero bago pa maglapat ang mga labi nila..

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon