CHAPTER 21

13.7K 324 36
                                    


CHAPTER 21

NANINGKIT ANG mga mata ni Jared nang umeksena si Cathy. Of course he knew her. And he knew a lot more.

Nagtagis ang bagang niya nang biglang pumasok si Jeffrey.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to.

"Cathy, uwi na tayo." Hinila nito si Cathy para lumabas ng gate nila Annie.

Nanlaki ang mga mata ng mga pinsan ni Annie nang makita si Jeffrey.

"Hoy! Hayop ka!" Anang pinsan ni Annie na halatang galit ky Jeffey.

"Sinaktan mo ang pinsan namin!" Sigaw ulit ng isa.

"Huwag na nating palabasin ng gate 'yan nang hindi nabubugbog!" Sigaw ulit ng isa pa at nilapitan ng mga ito si Jeffrey.

"Mga kuya tama na 'yan. Hayaan niyo na siya." Pigil agad ni Annie.

Mukhang takot naman si Jeffrey na hinihila si Cathy palabas. "Sorry po. Pasensiya na talaga."

Ipiniksi ni Cathy ang kamay nito na hawak ni Jeffrey. "Bitawan mo nga ako! Umuwi ka mag-isa mo!" Binalingan nito si Annie. "Ikaw na malandi ka, sinira mo ang pamilya namin!"

Akmang sasagot ang dalaga nang hawakan niya ang kamay nito at siya na mismo ang humarap kay Cathy.

"Wala siyang sinirang pamilya, nasira din ang buhay niya dahil sa asawa mo." Tiningnan niya ng masama si Jeffrey. "Ang asawa mo mismo ang sumira sa pamilya niyo." Ibinalik niya ang tingin kay Cathy. "Na-check mo ba kung ikaw talaga ang asawa?"

Hinila na ulit ni Jeffrey si Cathy na mukhang naguguluhan.

Nagsalita ulit siya. "As far as I can remember, he's married. But not to you."

Tiningnan siya ng masama ni Cathy. "Ikinasal kami!"

Tumango-tango lang siya. "Oh, well, ikinasal pala siya sa tatlong babae and engaged sa isa pa. Anyway, ikaw yung pangalawa. Kaya huwag mong sisihin si Analyn."

Nanlaki ang mga mata ni Cathy at binalingan si Jeffrey.

"Totoo ba?!" Tanong nito pero hinila lang ito ni Jeffrey palabas hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.

Halata namang naguguluhan ang buong angkan ni Annie nang balingan niya ang mga ito. Sa kanya nakatingin ang lahat na parang hinihintay na may sabihin siya, pati na rin si Annie na mukhang gulong- gulo.

Nagkibit-balikat lang siya. "Gan'on po siya ka-gago. Kaya mabuti na lang at wala na sila ni Annie." He smiled. "Tuloy ang inuman!"

Agad nakahinga ng maluwag ang mga ito at kumalma.

Nilingon niya si Annie nang hindi nito binitawan ang kamay niya.

"Magpaliwanag ka mamaya." Anito at lumapit na sa mesa kung nasaan ang mga kababaihan.

Siya naman ay nakihalubilo ulit sa mga kalalakihan.

Explain what, though? Galit ba siya dahil sa ginawa ko?

Sumapit ang hapon at nagsiuwian na ang  angkan ni Annie. Pamilya na lang nito ang naiwan at mga magulang niya.

Padilim na pero umalis ang mommy at daddy niya kasama ang mga magulang ni Annie. May pupuntahan daw muna ang mga ito. Mga kapatid na lang ng dalaga at mga pamangkin ang naiwan sa bahay kasama nila.

Medyo naparami ang inom niya dahil napasubo siya sa mga tito ni Annie kanina na grabeng uminom. Gusto sana niyang tulungan si Annie sa pagliligpit pero mukhang hindi na niya kaya.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon