CHAPTER 11

14.7K 411 23
                                    


CHAPTER 11

HINDI NA naman masyadong nakatulog si Jared. Naiinis siya! He’s already attracted to Annie, matagal na, inaamin niya ‘yon. Ang kinaiinisan niya ay nagpapaka- tanga na naman ito. Noong isang araw lang, umiyak ito dahil sa gagong ‘yon, tapos kagabi, nakipagkita na naman ito na parang wala lang ang lahat! Bullshít!

Kaya nang makauwi siya kagabi, deretso na naman siya sa studio para mag- painting. Tapos na niya ang isang part ng project niya. At dahil naiinis siya, natapos niya agad ang isa pang part.

Bumaba siya nang hindi pa naliligo para magtimpla na muna ng kape. Mga katulong pa lang ang nasa kusina. Nang makapaglagay ng kape sa tasa niya, naglakad na siya palabas ng kusina para umakyat sa kwarto niya.

Habang naliligo, nagkakape, multitasking. Pagkatapos niyang mag- ayos, bumaba na siya para mag- agahan. Tama namang gising na ang mommy niya.

“Where’s Dad?” Tanong agad niya nang hindi makita ang kanyang ama. Dumeretso siya sa lababo para ilagay doon ang tasa niya.

“Umalis siya kagabi papuntang Taiwan.” Sumimsim ito ng kape. “Halika na. Kumain ka na at nang hindi ka ma-late.”

Agad naman siyang naupo at nilagyan nito ng pagkain ang pinggan niya.
“Ako na, Mom.” Aniya.

Ngumiti ito ng pagkatamis- tamis. “Ako na.”

Tumaas ang isang kilay niya. “Bumabawi ka dahil sa ginawa mo sa’kin kahapon nuh?”

Ngumisi ito. “Sorry na, anak.” Sumulyap ito sa kanya. “Pero hindi ba talaga papasa sa’yo ‘yong ka- blind date mo kagabi? She’s a fine woman.”

Inirapan niya ang mommy niya. “Yes, she’s a fine woman. Pero hindi siya ang gusto ko. Kaya last na ‘yon ha? Huwag mo na akong i- set ulit na makipag- blind date, please lang, mom.”

“Okay. Hindi na.” Sumimangot ito. “Kumain ka na nga.”

Nag- umpisa na siyang kumain. Napapansin niyang pasulyap- sulyap sa kanya ang mommy niya.

Tumikhim ito. “Wala bang reaksyon si Annie nung sinabi niya sa’yong cancelled ang meeting mo?” Nakiki-Annie na rin ito. Gaya- gaya. Tsk.

That made him frown. “Why’d you ask?”

Nagkibit- balikat ito. “Just.. curious.” Sumimsim ulit ito ng kape habang nakatingin sa kanya. “Does she look angry? Bothered? Or what?”

Ang weird din talaga ng mommy niya minsan. “Her usual expression mom. Nothing. Okay? Did I answer your question now?”

Napabuntong- hininga lang ito saka nagbasa ng magazine. Napatitig naman siya sa cover n’on.

“I look like a royalty in that magazine.” Puna niya sa cover niyon na mukha niya.

His mom smiled proudly. “Of course, I’m your mom after all.”

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa pagkain na parang walang narinig kaya bigla siya nitong hinampas ng magazine.

“Aray!” He looked at his mom with disbelief. “What was that for, mom?”

“Hindi ka man lang nag- agree sa sinabi ko!”

He puffed a breath. “Hindi ko na kailangan gawin ‘yon kasi totoo namang maganda ka, mom. Kaya pwede ba, tigilan mo na po ang kakapalo sa’kin ng kung ano man ang hawak mo. I’m too old for that.”

Natawa ito. “Paano kasi, kung kailan ka tumanda, doon ka naging kapalo- palo.” Sumulyap ito sa kanya. “Better be thankful that your dad and  I have good genes.” Tumayo na ito. “Be careful when you drive later, okay?”

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon