CHAPTER 15

13.3K 371 49
                                    


CHAPTER 15


HINDI MAPAKALI si Analyn habang naghihintay sa labas ng ER ng DK Medical hospital. Ano ba ang nangyari kay Jared at bigla itong nanghina kanina?

Hindi pa rin mawala sa isip niya kung paano ito unti- unting natumba sa sahig. Grabe ang takot niya, baka kung ano na ang nangyari sa boss niya.

Kasama niya ngayon si Madam Lucia  na naghihintay na matapos ang pagsusuri ng doktor ni Jared. Tinawagan niya ito habang nasa ambulansiya sila kanina papunta dito sa ospital.

"Relax, hija." Ani Madam at hinawakan ang kamay niya. "Hindi mamamatay ang anak ko, hindi pa nga niya kami nabibigyan ng apo eh. Wala pa siyang karapatan mamatay, kaya chill ka lang."

Napabuntong- hininga siya saka tumango. Si Madam Lucia naman ay nakangiti pa na nakatingin sa kanya. Hindi ba ito nag- aalala kay Jared?

"Bigla lang po kasi siyang nanghina kanina, Madam. Hawak niya ang dibdib niya at parang hirap siyang huminga. Ngayon ko lang po siya nakitang nagka-gan'on." Imporma niya sa ginang.

Nag-isip ito. "Ano ba ang huling kinain ng batang 'yon?" Tanong nito.

She thinned her lips. "Ahm..baka po chiffon cake saka frappe."

Nagsalubong ang kilay nito. "'Yon ba 'yong pinabili niya sa'yo?"

Tumango siya.

"Eh kasalanan naman pala niya kung bakit nangyari 'yon sa kanya. Alam niyang mostly sa chiffon cake ay may cinnamon powder, bakit 'yon ang pinabili niya? Allergic siya sa cinnamon."

Oh my god...kasalanan ko 'to!

"Humanda sa'kin ang batang 'yon mamaya." Ani Madam. "Why eat something na alam naman niyang bawal? Tsk."

Marahas siyang umiling. "'Wag niyo po siyang pagalitan, Madam. K-kasalanan ko po. A-ako po ang bumili n'on."

Tinitigan lang siya nito kaya bigla siyang kinabahan. 

Nagbaba siya ng tingin sa sobrang hiya. "Sorry po, Madam. H-hindi ko po alam na allergic siya sa cinnamon. Sorry po." 

Jusko po pwedeng kainin na ako ng lupa as in now na??

Nagtaka siya nang mahina itong natawa. "Ang cute mo. Ano ka ba. Okay lang 'yon. Hindi mo naman alam eh."

Sa sahig pa rin talaga siya nakatingin sa sobrang hiya.

"Sa cinnamon lang naman siya allergic." Imporma sa kanya ng ginang. "Paborito n'on ang seafoods, lalo na ang sugpo. Hindi naman pihikan sa pagkain ang anak ko kaya hindi ka mahihirapan d'on."

Doon na siya nag- angat ng tingin, nagtataka siya kung bakit sinasabi ito sa kanya ni Madam.

Ngumisi ito. "Ano ka ba namang bata ka. Akala mo ba hindi ko alam ang mga nangyayari sa opisina? Last time I checked, asawa ka na daw ng anak ko."

Biglang nag-init ang mukha niya. Jusmiyo nakaabot na kay Madam ang mga 'to???

"Ahm..Madam..hindi po totoo 'yon..ano po kasi..ahm..si Jared po..I mean, si Sir Jared-"

Natawa ito lalo. "Silly girl. Stop explaining. Hindi naman ako kukontra. Basta ba bigyan niyo na kami ng apo."

Napakurap- kurap siya. "Po?"

"Ay, hindi pala. Kasal pala muna bago apo." Pagtatama nito. "Excited na akong mamanhikan."

Hindi niya alam ang magiging reaksyon niya sa sinabi nito. Mamamanhikan? Eh hindi nga niya boyfriend ang anak nito. Kasi nga asawa mo na daw. Anang  isip niya kaya napailing siya. Makukurot talaga siya ng nanay niya sa singit at baka mapalo ng walis-tingting ng tatay niya kapag nalaman nila ang nangyayari ngayon.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon