CHAPTER 13

12.5K 311 52
                                    


CHAPTER 13

ILANG LINGGO na rin ang lumipas, ramdam ni Jared ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Annie. Halata ang pag- iwas nito sa kanya o makipag- usap sa kanya ng matagal lalo na kung hindi work- related. And that bother’s him.

Okay na naman ba sila ng abnormal niyang boyfriend kaya umiiwas siya?

Nainis siya sa naiisip kaya napahinga na lang siya ng malalim.

Nag- aayos siya ngayon dahil a-attend siya ng kasal ni Andre. Rush din kasi ang naging preparasyon dahil buntis na si Miss Melodia.

Habang nagbibihis, nag- iisip siya kung susunduin ba niya si Annie. Bilin din kasi ni Miss Melodia na dalhin niya ito.

Okay lang naman siguro kung susunduin ko siya, di ba?

Bumuntong- hininga na lang siya at inayos ang neck tie saka lumabas na ng bahay. Dumeretso  siya sa Russo-balt niya. Wala naman ngayon ang mommy niya dahil sumunod ito sa daddy niya sa Russia.

Buo na ang desisyon niya, susunduin niya si Annie. Fúck her boyfriend! I don’t care anymore!

Nang malapit na siya sa apartment nito, unti- unti niyang pinabagal ang kotse niya nang makita ang isang kotse na nakahinto malapit sa apartment ni Annie, sa harap ng mini cooper nito. Tinted ang kotse pero dahil sa maliwanag na sinag ng araw, naaaninag niya ang driver. Napaisip siya dahil mukhang pamilyar sa kanya ang driver.

Inihinto niya sa harap mismo ng apartment ang kotse niya habang nakatitig pa rin sa driver ng kotseng iyon. Bumaba siya ng kotse at tinanggal pa ang shades niya nang makita ang driver dahil nakababa ang bintana nito. Agad din nitong isinara ang bintana nang makita siya at pinausad na ang kotse papalayo sa apartment. Hindi siya pwedeng magkamali, it was Alyssa. Ano naman ang ginagawa n’on sa harap ng apartment ni Annie? Alam na kaya n’on na girlfriend din ni Jeffrey si Annie?

Natigil ang iniisip niya nang marinig ang pagbukas ng apartment ni Annie at agad siyang natigilan.

“Mag- iingat ka, bhe.” Ani Jeffrey na nakasunod kay Annie palabas ng apartment.

“Umuwi ka na. At pwede ba-“ Hindi na natapos ni Annie ang sasabihin nito dahil natigilan din ito nang makita siya. “B- boss.” Napatuwid ito ng tayo at napasulyap kay Jeffrey na nasa tabi na nito.

Agad siyang tinitigan ni Jeffrey ng masama at hindi rin siya nagpatalo. Tinitigan din niya ito ng walang emosyon at walang kurap- kurap.

Natigil lang ang tagisan nila ng titigan nang pumagitna si Annie at tumikhim.

“Ahm- Boss, bakit ka nandito?” Tanong ni Annie kaya inilipat niya ang titig niya dito.

“Sinusundo ka.” Sagot niya sabay balik ng tingin kay Jeffrey. Wala na siyang pakialam kung magalit pa ito sa kanya.

Naglakad si Jeffrey palapit. “Ako ang maghahatid sa kanya.” Itinuro nito ang dala nitong cheap na kotse na nasa tapat ng Russo- balt niyang kumikintab pa.

Mahina siyang natawa. “Hindi bagay sa cheap na kotse na ‘yan si Annie. Look at her get- up.”

Halatang iritado ito at akmang sasagot nang magsalita si Annie. “Pwede ba, tumigil na kayo.” Hinarap nito si Jeffrey. “Ikaw, umuwi ka na. Hindi mo ako ihahatid.”

“So, pinipili mo na talaga itong boss mo?” Inis na sagot ni Jeffrey.
Napabuntong- hininga naman si Annie. “Don’t make a scene here. Umuwi ka na.”

Napatuwid siya ng tayo nang biglang humarap sa kanya si Annie. “Shall we, boss?”

That made him smirk. Isinuot na niya ang shades niya at pinagbuksan ng pinto ng passenger’s  seat si Annie habang matalim na nakatitig sa kanila si Jeffrey. Naglakad na siya paikot sa driver’s seat at nang dumaan siya sa tapat ni Jeffrey, sumaludo siya dito na parang nang- iinis saka pumasok na sa driver’s seat.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon