CHAPTER 9

11.8K 327 24
                                    


CHAPTER 9

HINDI ALAM ni Jared kung matutuwa siya o magagalit. This is bullshít!

“Boss?” Halata ang gulat sa mukha ni Annie nang makita siya.

Yes, sinundan niya ito kanina. He had a hunch that Annie will meet that bastard again kaya sumunod siya nang umalis ito sa opisina. Hindi nga niya alam kung bakit niya ‘to ginagawa.

Ayos lang sana kung hindi ito ang nasaksihan niya. Na masaya ito kasama ang gagong ‘yon, tatanggapin niya kahit masakit. Pero hindi! He’s still cheating on her! In her face! And Annie, ito pa ngayon ang dapat mag- adjust!? Bullshít!

Nagtatagis ang bagang na nakatingin siya sa lalaki di kalayuan. “Bakit ikaw ang nagtatago?” Binalingan niya si Annie habang hawak pa din ang pulsuhan nito. “Di ba dapat sila?” He’s trying to calm himself. “Sabihin mo lang Annie, bubugbugin ko ang gagong ‘yan. Just say it and I won’t hesitate to punch his fvcking face and I don’t care kung maraming tao. Buti nga at mapahiya ang gagong ‘yan.”

Umiling ito. “Huwag. Ayoko ng gulo.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Ayokong gumawa ng eksena.” Nagbaba ito ng tingin at suminghot. “Don’t do that, please.”

Mariin siyang pumikit. He really hate seeing a woman cry, lalo na sa harap niya mismo. Iminulat niya ang mga mata at napabuntong hininga.

Masuyo siyang lumapit dito at pinahilig ang ulo nito sa dibdib niya. Ayaw niyang makita ng iba na umiiyak ito.

“Stop crying.” Mahinang aniya at ipinalibot ang mga braso sa balikat nito. “Hindi bagay sa’yo ang umiyak. Sayang ang ganda ng mga mata mo.”

Marahan niyang hinagod ang balikat nito at naramdaman niyang humawak ito sa laylayan ng damit niya. Hindi ito yumakap sa kanya.

Still faithful, as usual.

Kumawala ito sa yakap niya at pinahid ang luha. Agad naman niyang kinuha ang panyo niya at sinapo ang mukha nito saka pinaharap sa kanya. Siya mismo ang nagpahid ng luha nito.

“Mas maganda ang mga mata mo pag nakangiti ka.” Tinapos niya ang pagpahid ng luha nito. “Tahan na.” May kinuha siya sa bulsa at ipinakita dito.

Suminghot ito at nagsalubong ang kilay. “Ano ‘yan?”

Ngumisi siya. “Nuod tayong sine.” Dalawang movie ticket iyon. “Let’s watch Avengers End Game.”

Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Inakbayan na niya ito at naglakad palabas ng department store. Kailangan niyang i- divert ang atensyon ni Annie.

Pumasok sila sa sinehan at agad na naupo.

“Wait here. Bibili muna ako ng popcorn.” Hindi na niya ito pinasagot at agad siyang lumabas para bumili ng pop corn at softdrinks. Hindi pa naman nagsisimula ang movie.

Nakapamulsa siya habang hinihintay ang pop corn nang biglang may tumawag sa kanya.

“Mr. Egorov?” Anang matinis na boses ng babae.

Nilingon niya ito at pilit na ngumiti. “Ms. Quintin.” Agad niyang tiningnan ng masama ang lalaking kasama nito. The bastard’s hand was on Ms. Quintin’s waist.

Ang gagong ‘to.

“Alone? O may hinihintay na ka- date?” Tanong ulit sa kanya ni Alyssa.

“Date. She’s already inside.”

Ngumiti ito. “Anyway, this is Jeffrey.” Pagpapakilala nito sa lalaking makupal. “Love, this is Mr. Egorov.”

Inilahad nito sa kanya ang mga palad. “Nice to meet you.”

His face was void with emotion and gripped the bastard’s hand tightly. “Yeah. Ty kusok der’ma, mudak.” Napanganga ito sa sagot niya at mukhang hindi siya nito kilala. Good. “Sorry. That means nice to meet you too, bud.” You’re a piece of shít, a**hole. ‘Yon talaga ang sinabi niya eh.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon