CHAPTER 10

12.7K 364 30
                                    

CHAPTER 10

HINDI NA naman nakatulog ng maayos si Jared nang nagdaang gabi. Paano siya makakatulog kung laging nagri- replay sa utak niya ang ka- abnormalan na ginawa niya? Yayakapin lang dapat niya si Annie bago siya umalis. Pero mukhang sinapian siya nang bumaba ang mga mata niya sa labi nito at bigla na lang itong hinalikan!

Mabuti na lang at tinawagan siya ng mga kaibigan niya para uminom. Broken daw ang abnormal na si Andre ilang araw na eh. Kahit papano, nawala sa isip niya ang kiss na ‘yon. Sobrang emo ba naman ni Andre. Kadiri.

Hindi sana siya papasok pero nag- text si Annie na may appointment daw siya. Akala pa naman niya kung ano na ang message nito. ‘Yon lang pala.
So, here he is, late na pumasok sa trabaho. Hindi kasi niya alam kung pano haharapin si Annie. Nang nasa tapat na siya ng pinto, huminga siya ng malalim at namulsa. He need to look cool like nothing happened. Baka kasi matunaw siya sa sobrang kaba.

Bigla niyang binuksan ang pinto at pumasok doon.

Dideretso sana siya sa opisina nang makitang may bisita sila na naka- upo sa sofa. “Oh. New face.” He coolly muttered. Mukhang nag- uusap ito at si Annie.

Tumayo ito at ngumiti. The woman is beautiful.

“Siya po ang pina- schedule ni Mr. De Marco, si Ms. Melodia Lopez.” Pagpapakilala ni Annie sa kanya.

“Aha. Andre’s girl. Hi, nice to finally meet you.” Nakipagkamay siya kay Ms. Lopez. “Jared Egorov.” Ito pala ang bukambibig lagi ni Andre, ang dahilan ng pagiging emo nito.

Ngumiti si Annie kaya parang tatumbling ang puso niya. Nagsalita ulit ito. “Ms. Lopez, best friend siya ni Jarine.” Imporma nito. Mukhang hindi rin yata ito apektado sa nangyari kagabi.

Ibinaling niya ang atensyon kay Ms. Lopez. “Kilala mo si honeybabe?” Natawa ito.

“Yes. At ngayon ko lang nalaman na may best friend pala siyang lalaki. Ayaw n’on sa male species eh.”

Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Annie nang banggitin na naman niya ang ‘honeybabe’.

Ngumisi siya. “Hindi yata lalaki ang tingin sa’kin n’on. Worst, baka hindi pa tao ang tingin sa’kin kaya close kami.”

“Hindi ka naman talaga tao eh. Hayop ka kasi.” Biglang sagot ng sekretarya niya.

Ano na naman ang problema nito?

Tinitigan niya ito ng masama. “I will fire you.”

Tinaasan siya nito ng kilay. Aba! “As if you can. Patay ka sa mommy mo.” Ang tapang na naman nito sa kanya.

Inirapan lang niya ito saka bumaling ulit kay Ms. Lopez. “Tara, doon tayo sa loob ng opisina ko. May nuno dito sa labas eh.” Nauna na siyang pumasok sa loob ng opisina.

“Heh! Kapre ka!” Asik nito pero hindi niya iyon pinansin.

He and Ms. Lopez talked about business. May plano kasi itong magpatayo ng building. Sa tagal na rin ng training niya under his mom’s supervision, marami na siyang natutunan sa mga engineers and architects na nakakasalamuha niya.

“Tawagan mo lang kami kung ano man ang magiging desisyon niyo, Ms. Lopez.” Aniya matapos ang usapan nila.

“Yes, thank you.” Nakangiting sagot nito.

Bigla niyang naisip ang kaibigan niya. “Kamusta kayo ni Andre? Na- check na ba ang label?” Kapagkuwan ay tanong niya

Napatanga ito sa kanya. “What label?”

Tumaas ang isang kilay niya. “Wala bang sinabi sa’yo ang alien na ‘yon?”
Umiling ito.

He never expected that answer. Mas malandi ang lalaking ‘yon kesa sa kanya tapos wala naman palang lakas ng loob magsabi ng nararamdaman? “Wow. Torpe na pala ang gagong ‘yon. Hindi pa kayo nag- usap?”

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon