CHAPTER 23
"AYAN, PERFECT!" Nakangiting wika ni Rodessa na make-up artist ni Analyn. Ito na rin ang gumawa ng hair-do niya.
She's getting married tonight!
Si Ms. Gwyn ang gumawa ng wedding gown niya.
Takip-silim ang kasal nila ni Jared and what amazed her more, her wedding dress, of course. Sinadya nilang gabi ang kasal dahil nag-iilaw ang mga suot nila.
Inayos ni Rodessa ang veil niya, si Ellery naman ay ipinasuot sa kanya ang sapatos niya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon sina Jarine at Charlyn na Bride's Maids niya.
"Whoaah. Ang ganda nga talaga ng gown mo." Komento ni Charlyn. "Mas maganda siguro 'yan pag umiilaw na."
Iniabot sa kanya ni Jarine ang isang box. "Galing sa groom mo."
Nakangiting kinuha niya iyon saka binuksan. It was a sunflower necklace.
Nakita niyang pwedeng ibuka ang pendant kaya sinubukan niyang ibuka iyon. May naka- engrave doon na nagpangiti sa kanya.
You are my sunshine.
May note na nakalakip sa box ng necklace kaya kinuha niya iyon saka tahimik na binasa.
To My Wife,
I became a sunflower ever since I met you. You are my sunshine. And I am lifeless without you in my life.
I Love You. See you later.
P.S. Wag mo akong indianin sa kasal, magpapakalunod na talaga ako sa kung saan mang irigasyon.
P.P.S. 24k gold to ha? Paki-ingatan para may pansanla tayo pag wala ng pang-gatas si baby.
Naiiling na napangiti siya. Ito talaga ang gusto niya sa lalaking 'to. Seryoso, na parang hindi.
"Isuot ko sa'yo." Pag-presenta ni Jarine saka kinuha sa kamay niya ang necklace. "Ang cheesy talaga ng abnormal na' yon. Galawan 'to para maka-score mamaya panigurado." Isinuot nito sa kanya ang necklace. "Sabihin mo hinay-hinay siya mamaya. Baka maalog ng bongga si baby at biglang matunaw jusko."
Natawa sila sa sinabi nito.
May kumatok sa pinto at bahagya iyong bumukas. Sumilip doon si Mr. Donovan na Best Man ni Jared.
"Miss Maid of Honor." Anito.
"May pangalan ako." Kontra agad ni Ellery.
Umirap si Heineken. "Whatever, Malory."
"It's Ellery, dumbass."
Humaba lang ang nguso ni Heineken at magkasalubong ang kilay. "May 'Ry' pa rin naman. Anyway, hinahanap ka ng organizer."
"Oo na. Susunod na lang ako. Lumabas ka na." Agad na pagtataray ni Ellery.
"Bossy as ever." Heineken murmured and closed the door.
"I smell a love story going on." Komento agad ni Charlyn. "Isusulat ko 'to. Malory: The Aso't Pusa Love Story."
Nailing lang si Ellery. "Tseh!" Lumabas na ito ng kwarto.
Sumunod din sila agad dahil padilim na.
Inayos ng organizer ang mga abay niya at pinahintay siya sa likod.
She felt nervous. Nanlalamig ang mga kamay niya.
"Huwag kang kabahan." Anang nanay niya na nasa tabi na pala niya.
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)
General FictionSPG WARNING/R-18 She fell in love with the wrong man. Then the right man came to save her. Will she let him? Or will she stay on that shítty relationship that she's in just because she invested all her emotions on the wrong man?
