SPECIAL CHAPTER

17.5K 484 68
                                    

SPECIAL CHAPTER

"KUYA, THANK YOU!" Masayang sagot ng kapatid ni Alexeev na si Athalia nang buksan nito ang regalo niya.

Athalia Acia. His sister na maarte sa pagkain pero sobrang conscious pagdating sa pagpapaganda. 16 years old na ito.

Galing siya sa kompanya. His dad is training him. Naiinis nga siya dahil ayaw niyang maging CEO ng Egorov Construction Company. Saka 20 pa nga lang siya. He's too young.

Boring.

"Nasaan si Anzherina at Azaliya?" Kapagkuwan ay hanap niya sa mga nakababata pang mga kapatid.

Anzherina Stefiel, the fourth born. 8 years old pa lang ito.

Stefiel, kasi Stefano at Miguel daw sabi ng mga lolo nila. Si Athalia kasi naging Acia dahil Amelia at Lucia. Kaya hindi nagpatalo ang mga lolo nila. 

Azaliya Mistelia, ang bunso nila na four years old pa lang.

Mistelia, kasi combination na daw 'yon ng lolo't lola nila. Lia na nga lang ang sa mga lola nila dahil pareho lang naman daw ang dulo ng pangalan ng mga ito. Pinahirapan talaga ang mga kapatid nilang mga babae.

Sila lang talaga ni Avedeev, pangatlo sa kanilang magkakapatid, ang walang arte sa pangalan dahil wala ang mga lolo't lola nila nang ipanganak sila. Huli na dumating ang mga ito.

"Nasa taas si Rina, si Liya pinaliliguan pa ni mama."

Nasa sala sila ngayon. At dahil bakasyon na, nasa bahay ang mga kapatid niya.

"Ano'ng meron?" Ani Avedeev na kakapasok lang ng bahay.

"May binigay si kuya." Sagot agad ni Athalia at tumabi ng upo sa kanya.

Bigla namang bumaba ng hagdan si Anzherina. 

"Meron din ba ako?" Agad na tanong nito at tumabi din sa kanya.

Ginulo niya ang buhok nito. "Oo, naman."

Iniabot din niya dito ang isang box.

"Thank you, kuya!" Anito kahit hindi pa nito nabubuksan ang box.

"Kuya ko!!" Anang matinis na boses ni Azaliya galing sa second floor.

Karga ito ng mama nila pababa ng hagdan.

"Kanina ka pa, Xeev?" Tanong ng mama nila.

Tumayo siya at sinalubong ang mga ito. "Kadarating ko lang po." Agad niyang kinuha si Azaliya na naglambitin agad sa leeg niya.

"Nasaan ang papa mo? Di ba magkasama kayo sa office?" Tanong ulit ng mama nila.

"Pinauna po niya ako. Wala naman daw akong ginagawa kundi mag- drawing."

Ginulo nito ang buhok niya. "Tamad ka din eh nuh. Anak ka nga talaga ng papa mo." Mahina itong natawa. "Sa kusina lang ako. Ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo."

"Opo."

Umupo siya pabalik sa sofa kandong si Azaliya. "Liya, may ibibigay si kuya." Iniabot niya dito ang isa pang box.

"Wooww. Pink box." Excited nitong binuksan ang box. "Wing?" Nagtatakang tanong nito. Bulol ito sa letrang R.

"Oo nga, kuya. Bakit binigyan mo kami ng singsing?" Nagtataka ding tanong ni Anzherina habang pinagmamasdan ang singsing na suot na nito.

Isinuot niya ang singsing sa maliit na daliri ng bunso niyang kapatid. "Just to remind the three of you that I'm the man who loved you first." Napaisip siya. "Well, dad loved you first, second ako. Kaya dapat panghuli ang mga magiging boyfriend niyo. Nauna akong magbigay ng singsing kahit kaninong lalaki diyan."

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon