CHAPTER 3

14.5K 402 41
                                        


CHAPTER 3

NAKATULALA LANG sa kawalan si Analyn. Nag- away na naman sila ng boyfriend niya kagabi. Gabi- gabi na lang talaga gan’on. Isang linggo na siyang mag- isa sa trabaho. Umuwi na ang nanay niya sa Iloilo.

Sa sobrang gulo ng isip niya, minsan nagkakamali na siya sa trabaho. Siya na ang nahihiya kay Madam Lucia dahil hindi siya pinagagalitan. Hindi na talaga maganda ang epekto ng away nila sa kanya.

Napaigtad siya nang bigla pumasok si Sir Jared sa pinto.
“Good morning, Sir.”

Hindi ito lumingon sa kanya. “Morning, Honey.”

“Po?” Kunot ang noong tanong niya.

Huminto ito at nilingon siya. “Sabi ko, Morning Annie.”
Pumasok ito kaagad sa pinto ng opisina. Naalala niya ang schedule ng seminar nila kaya pumasok din siya doon.

“Yes, Analyn?” Tanong agad ni Madam Lucia.

“Ahm- Madam, magpapaalam po sana ako kung pwede po akong mag- leave ngayong Biyernes? Dadalo po ako sa seminar.”

Agad na tumango si Madam. “Sure. Di ba kailangan niyo ‘yan para sa lisensya niyo?”

Tumango siya. “Opo.”

“Okay. No problem.”

Ngumiti siya. “Thank you po.”

Akmang lalabas na siya nang magsalita si Sir Jared. “Saan ang seminar?”

Nilingon niya ito. “Sa Baguio po, Sir.”

“May service ka na?”

Nagsalubong ang kilay niya. “Sa kaibigan ko po, Sir.”

“Si Honeybabe?”

Umiling siya. “Hindi po. Maliit ang kotse ni Jarine eh. Sa isang kaibigan po namin na Everest ang kotse. Sama- sama po kaming pupunta sa Baguio. Salitan na lang daw silang apat sa pagmamaneho dahil malayo ang Baguio.” Paliwanag niya dito para hindi na ito magtanong pa.

Ito naman ang nagsalubong ang kilay. “Bakit sila lang? You don’t drive?”

Umiling siya.

Sumandal ito sa swivel chair. “Why?”

Napabaling siya kay Madam na nakangiti habang abala sa laptop bago niya ibinalik ang tingin kay Sir Jared. “Kasi ako lang ang walang kotse sa aming lima, kaya wala akong driver’s license, Sir.”

Tumango- tango ito. “You may go.”

Nagtatakang lumabas siya ng opisina at bumalik sa table niya. Inabala niya ang sarili sa trabaho at sinubukang huwag munang isipin ang away nila ni Jeffrey.

Maya’t- maya ay lumalabas si Sir Jared at pumapasok sa pantry. Bago ito bumalik sa opisina, tumayo ito sa harap niya.

Nag- angat siya ng tingin. “Yes, Sir? May kailangan po kayo?”

Tumikhim ito. “Ahm- you want to learn how to drive?”

Tumaas ang isang kilay niya sa tanong nito. “Bakit po?”

Bumuntong- hininga ito. “Sagutin mo na lang. Interesado ka ba?”

Napaisip siya. Kung sa gusto, gusto din naman niyang matuto. Ang totoo niyan, ilang beses na din siyang tinuruan ng mga kaibigan niya pero hindi tuloy- tuloy dahil nga abala din sila.

Tumango siya.

“Okay.” Mabilis na sagot nito. “Driving lesson later after work.” Naglakad na ito pabalik sa opisina.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon