CHAPTER 6
KAHIT LINGGO, maagang gumising si Jared. Hindi rin naman siya masyadong nakatulog. He spent his night on his studio again. Painting. He needed to distract his thoughts. Linggo naman kaya ayos lang, wala namang trabaho.
“Good morning, parents.” Masiglang bati niya sa mga magulang na nagka- kape sa gazebo ng hardin nila.
Natigil sa pagbabasa ng libro ang mommy niya at nakunot ang noo nito. “Sunday ngayon, ba’t ang aga mong nagising?” Naningkit ang mga mata nito. “O baka hindi ka na naman natulog?”
Naupo siya sa bakanteng upuan na katabi ng mommy niya. “Mom, pwede ko bang gawing mini- gallery ang space d’on sa labas ng opisina?” Hindi niya pinansin ang tanong nito. He has a lot of ideas in mind para bigyang pansin ang tanong nito. “Pati ang rooftop, pwede ko bang lagyan ng mini- garden d’on?” Naki-kain siya sa french toast na nakahain sa coffee table. “Para may tambayan naman na maganda ang mga empleyado natin. Makakabawas ‘yon sa stress nila sa work kung may lugar doon sa building na maganda ang ambiance. And I checked the foods sa cafeteria, I want them to improve the quality of the foods there. Masyado ng commercialized ang pagkain nila d’on. Employees need good food for good performance at work. Hindi sila dapat tinitipid sa pagkain.” Naki- inom siya sa kape ng mommy niya.
“Sana di ba nagpatimpla ka ng kape mo d’on, hindi ‘yong nakiki- inom ka sa kape ko.” Reklamo ng mommy niya at magkasalubong ang kilay na tiningnan siya. “Saka ano ba ang nangyari sa’yo at bigla kang naging interesado sa mga bagay na ‘yan sa kompanya?”
He shrugged. “Those are essential for our company. We should take good care of our employees para maging efficient sila sa trabaho. Simple things, but it has the biggest impact.”
Sinapo ng daddy niya ang noo niya. “Are you sick? Oh. I know. Lack of sleep.”
He rolled his eyes. Mukhang hindi kombinsido ang mga magulang niya. “I’m not sick. I’m just inspired and motivated. Ito ang gusto niyo di ba?”
Agad na tumango ang mommy niya. “Yes, pero parang biglaan naman yata at sobra- sobra ang naging pagbabago mo? What’s the reason?”
“Or maybe, you mean who?” Sagot ng daddy niya sa mommy niya at nag- high five ang dalawa na nakangisi.
Isang linggo na din mula nang makabalik si Annie mula sa Baguio at sa araw- araw na nakikita niya ito sa opisina, lalo lang siyang nagiging abnormal at madalas na nagiging bukambibig niya ang dalaga kapag kausap niya ang mga magulang niya.
Napabuntong- hininga na lang siya. “Just answer me, mom, kung pwede kong gawin ang mga ‘yon. Hindi ko naman ipipilit kung hindi. Saka ko na lang gagawin ‘pag ako na ang CEO.” Naki- inom siya sa kape ng daddy niya.
His mom grinned. Alam niyang natutuwa ito at ayos na sa kanya ang maging CEO. “Okay. You can do whatever you want. Magpatulong ka kay Analyn.”
Akmang kukunin niya ang french toast na natira pero tinampal ng daddy niya ang kamay niya. “Akin ‘yan.” Anito at kinuha ang french toast.
Humaba ang nguso niya. “Hatian mo ako, Dad.”
“For a 30-year old, you’re very immature most of the time.” Sagot nito at kinain ang toast.
“For a Dad, madamot ka.” Ingos niya dito. “Para french toast lang eh.”
Hinampas siya sa braso ng mommy niya gamit ang libro nito. “Jared Egorov.”
“Aray!” Sinapo niya ang braso. Ang hilig yatang manakit ng mommy niya. Kung kailan siya tumanda, saka ito namalo.
Pinandilatan siya nito. “That’s not how you talk to your Dad.”
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)
General FictionSPG WARNING/R-18 She fell in love with the wrong man. Then the right man came to save her. Will she let him? Or will she stay on that shítty relationship that she's in just because she invested all her emotions on the wrong man?
