CHAPTER 7
PARANG WALA sa sariling nagbihis si Analyn ng gown na napili niya, na bayad na daw ni Madam Lucia para sa kanya. Tapos ang dami pang binili ni Sir Jared para sa kanya. And it’s confusing the hell out of her.
Hindi siya bata para hindi makuha ang ipinapahiwatig nito. Lagi niyang sinasabi sa sarili na huwag mag- assume pero hindi iyon maiiwasan sa mga ginagawa nito. At ngayon, tinatawag pa siyang Honey. Alam naman nitong may boyfriend siya pero parang wala itong pakialam.
“There. Perfect fit.” Natigil ang iniisip niya nang nagsalita si Ms. Gwyn. Ito talaga ang tumulong sa kanya sa pagsuot ng gown. “God! You look like a goddess!” Gagad nito habang nakatingin sa kanya.
She smiled shyly. “Thank you. Pero tatawanan ka ni Sir Jared pag narinig niya ‘yan. Nuno ang tingin n’on sa’kin.”
Nangingiting umirap ito. “He means the opposite. Men are like that.”
She felt her heart beating weirdly. Naalala niya ang nangyari kanina nang may nag- over take na motor sa kotse nito. Oh no.
Hindi na lang niya iyon masyadong pinansin at lumabas na ng dressing room. Tapos na ring magbihis si Sir Jared.
She can’t help but to give him an appreciative look. He really looked handsome.
Wala sa sariling napahawak siya sa puson niya. God! Baka malaglag ang panty ko.
Lihim niyang kinutusan ang sarili dahil sa mga naiisip niya. Ni hindi nga niya ito naiisip kapag nakikita niya si Jeffrey. Bakit ganito siya ngayon sa boss niya?
Nakaramdam siya ng pagkailang nang hagurin siya nito ng tingin. She can see admiration in his eyes. Pakiramdam niya, siya ang pinakamagandang nilalang sa uri ng tingin nito. Hindi niya ito naramdaman sa boyfriend niya.
Shete, Analyn, stop comparing your boss and your boyfriend!
Tumikhim ito. “Wow. Pwede pa palang gumanda ang mga nuno.”
Her boss is at it again. Tinitigan niya ito ng masama. “Kapre.”
Tinitigan lang din siya nito ng masama. Bipolar.
Mahinang natawa si Gwyn sa kanila kaya natigil ang titigan nila. “Go, guys. Magsisimula na ang party.”
Binalingan ito ng binata. “See you there, Gwyn. Thank you.”
Tumango ito saka nginitian siya at pumasok sa opisina.
Inilahad ng binata ang palad nito sa kanya nang hindi siya tinitingnan. “Let’s go, Honey.”
Umasim ang mukha niya nang marinig na naman ang endearment na ‘yon. “Honey mo mukha mo, Boss.”
Hindi niya tinanggap ang kamay nito at naunang lumabas ng shop. Kailangan mauna siyang maupo sa passenger’s seat, baka sa kanya na naman ipa- drive ang kotse. At baka mapansin pa nitong pinagpapawisan ang palad niya.
Isinuot niya ang seat belt at napatingin na lang sa boss niyang kakaupo lang sa driver’s seat.
“Saan daw po ang party?” Tanong agad niya.
“Sa isang private island.”
Her lips formed an ‘O’. Rich people. Hindi na siya umimik hanggang sa makarating sila sa building ng Egorov Construction Company. Deretso sila sa rooftop kung saan naghihintay sa kanila ang isang helicopter.
“Wow. May helicopter ka pala, Boss.” Manghang aniya habang iginigiya siya nito patungo sa helicopter.
“Well, hindi sa akin ‘to. Sa daddy ko ‘to.” Pagtatama nito. “And I don’t use this often. Ngayon lang kasi kailangan nating sumakay dito para mabilis tayong makarating sa isla.”
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)
Fiksi UmumSPG WARNING/R-18 She fell in love with the wrong man. Then the right man came to save her. Will she let him? Or will she stay on that shítty relationship that she's in just because she invested all her emotions on the wrong man?
