CHAPTER 14

12.7K 324 29
                                    


CHAPTER 14

HINDI ALAM ni Analyn kung ano ang mararamdaman niya sa araw- araw na ginawa ng Dios. Pinanindigan talaga ni Sir Jared na magka- relasyon sila!

Araw- araw itong may dalang bulaklak at chocolates sa opisina, sabay silang kumain, hatid- sundo siya nito sa apartment, nagti- text ito bago matulog at ito ang taga- gising niya sa umaga dahil tumatawag ito.

Kapag nasa opisina sila, ramdam na niya ang mga titig ng mga empleyado sa kanya dahil masyado na talagang halata ang ginagawa ng boss niyang baliw.

“Honey, date tayo after work.” Nabalik ang diwa niya sa sinabi ng boss niya. Nakatayo ito sa harap ng mesa niya.

Napabuntong- hininga siya at nag- angat ng tingin, abala kasi siya sa harap ng computer. “Boss, wala na si Trish, hindi na manggugulo ‘yon. Kaya pwede mo ng itigil ang kabaliwan mong ‘to.”

Nagsalubong ang kilay nito. “Baliw pa din ako sa’yo kaya hindi ako titigil. At may date tayo mamaya. That’s final.” Matigas na wika nito saka padabog na pumasok sa opisina.

Nailing na lang siya saka humugot ng malalim na hininga. Wala talagang kwenta ang pag- iwas at pagiging civil niya dahil sa panlalandi nitong boss niya, araw- araw. At mukhang nagtampo ito sa sinabi niya na itigil na ang ginagawa nito.

Honestly speaking, kinikilig siya sa ginagawa nito. Sino ba ang hindi? Nasasanay na nga yata siya sa ginagawa nito. Pero ayaw lang niyang pumasok agad sa ganitong relasyon dahil kagagaling lang din niya sa isa pang relasyon. It doesn’t feel right, at all. Pero kung wala talaga itong balak na tumigil, baka hindi na rin niya mapigilan ang sarili at bumigay na ng tuluyan. Mahirap pa naman diktahan ang puso.

Ibinalik niya ang atensyon sa trabaho para alisin muna ang mga iniisip niya.
Kinuha niya ang isang folder para ihatid iyon sa engineering department na nasa second floor ng building.

Paglabas niya ng elevator, nakatingin ang mga empleyado sa kanya. Ang iba, nagbubulungan.

Wait. Bakit parang may mali?

Sinubukan niyang hindi iyon pansinin at nagpatuloy sa paglalakad. Nag- angat lang siya ng tingin nang salubungin siya ng kaibigan niyang information officer.

“Oh my god! Analyn, nakita mo na ba?” Pabulong na anito.

Nagsalubong ang kilay niya. “Ang alin?” She’s clueless.

Hinila siya nito patungo sa information desk at iniharap sa kanya ang screen ng computer.

“Jusko, girl. Ano ba’ng nangyayari?” Nag- aalalang tanong nito habang siya, hindi makapagsalita.

May nag-post sa page ng kompanya nila ng picture niya at ni Jeffrey. Papasok ito sa apartment niya. Ito ‘yong gabi na pinapasok niya ito dahil nagbanta itong magpakamatay! At may caption na “Akala mo kung sino’ng santa, malandi naman pala. Kinakalantari ng babaeng ‘to na empleyado niyo ang fiancé ko!”

Parang tumigil ang pag- ikot ng mundo niya. Nanlalamig ang buong katawan niya at nanunuyo ang lalamunan niya.

Lalong namanhid ang pakiramdam niya nang makita ang isa pang picture. Siya at si Sir Jared! Pababa sila ng kotse at may dala siyang bouquet na bigay nito at may caption na “Ang kapal ng mukha, pati boss niya tinalo niya! Analyn Benecio is #SobrangMalandi!”

Hindi na siya nakagalaw. Nakatulala lang siya doon sa screen at hindi niya namalayang tumutulo na ang mga luha niya. Ito ang pinaka-kinatatakutan niya sa lahat. Ang ipahiya siya ng ganito.

Pero wala na kami ni Jeffrey….

“Analyn,” Anang kaibigan niya at hinagod ang likod niya para patahanin siya.

Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon