CHAPTER 18
PARANG ISTATWA si Jared na nakaupo sa sofa katabi si Annie at nasa harap nila ang mga magulang nito.
Hindi niya magawang mag-angat ng tingin dahil sa sobrang hiya lalo na sa tita Amelia niya.
Galit na galit ang tatay ni Annie pero pinakakalma ito ni tita Amelia.
Tinawagan na rin ni tita Amelia ang mommy niya.
I'm so dead.
Mahinang humikbi si Annie kaya nabalik ang diwa niya.
"Sorry, tay." Paghingi ulit nito ng tawad. Hindi niya alam kung ilang beses na itong nag-sorry pero hindi ito pinapansin ng tatay nito. Sa kanya nakatingin ang tatay nito.
"Sorry po, sir." Paghingi din niya ng tawad.
"Nobyo ka sang bata ko?" Boyfriend ka ng anak ko? Seryosong tanong nito.
"Langga, mag-tagalog ka." Ani tita Amelia. "Tagalog yang si Jared."
"Wala ko ya labot!" Wala akong pakialam! Binalingan naman nito si Analyn. "Ikaw ya, Aleng? Abi ko lain nobyo mo? Ngaa gahimo kamo sang indi amo sang lalaki nga ini? Kag boss mo pa!?" At ikaw, Aleng? Akala ko iba ang boyfriend mo? Bakit may ginagawa kayong hindi dapat ng lalaking ito? At boss mo pa!? Bumuga ito ng marahas na hininga. "Amo na natun-an mo diri sa Manila? Ang mag-biga!?" 'Yan ba ang natutunan mo dito sa Manila? Ang lumandi!?
Wala siyang masyadong maintindihan pero alam niya ang salitang biga. Kahit papano natuto din naman siya kay Honeybabe.
"Hindi po." Umiiyak na sagot ni Annie. "Break na po kami ni Jeffrey, tay."
"Kag may bag-o ka dayon!?" At may bago ka agad!?
Nakayuko lang si Annie at patuloy sa pag-iyak.
Tumikhim siya. "Ahm-mawalang galang na po, sir.."
Matatalim ang mga matang napatingin ito sa kanya.
Bigla siyang kinabahan pero hindi pwedeng manahimik lang siya.
"Ahm-wala pong kasalanan si Honey..e-este si Analyn. Ako po ang lumapit sa kanya, sir. Hindi po niya ako nilandi. Saka 'yong naabutan niyo po kanina..ah..pananagutan ko po 'yon. Ako na lang po ang pagalitan niyo, sir." Deretso na niya itong tiningnan sa mga mata. Seryoso talaga siya sa sinabi niya.
Naningkit ang mga mata nito. "Ang tanong, boyfriend ka ba ng anak ko?" Matigas na anito.
"Opo."
"Hindi."
Sabay silang sumagot ni Annie at parang namingi siya sa sinagot nitong 'hindi'.
Nilingon niya ito.
"Honey.." So, ayaw pa rin talaga nito sa kanya. Hindi naman masakit.
Lalong nanlisik ang mga mata ng tatay nito. "Hindi!? Pero may ginagawa kayong kababalaghan!? Linti!!"
Okay. Alam niyang mura ang huling sinabi nito. Pero mas masakit ang sagot ni Annie.
"Analyn." Nag-aalala na si tita Amelia. "Ano ba ang nangyayari, hindi na namin alam kung pano iintindihin 'to." Binalingan siya nito. "Sir Jared, ano ba ang nangyayari?"
Hindi niya alam ang isasagot. Masakit pa rin ang puso niya. "H-hindi ko na rin po a-alam."
Biglang tumayo ang tatay ng dalaga at hinawakan si Annie sa magkabilang braso saka hinila patayo.
"Tuluka ko!" Tingnan mo ko!
Tumayo na rin siya para awatin ang tatay ni Annie.
"Sir, 'wag niyo pong saktan si Analyn." Awat niya.

BINABASA MO ANG
Branded Series Book 3: Analyn (COMPLETED)
Fiksi UmumSPG WARNING/R-18 She fell in love with the wrong man. Then the right man came to save her. Will she let him? Or will she stay on that shítty relationship that she's in just because she invested all her emotions on the wrong man?